Ina ni Maine sa pekeng video scandal ng anak: ‘Di makatarungan
- Published on December 30, 2020
- by @peoplesbalita
Hindi napigilan ng ina ni Maine Mendoza na maging emosyonal nang tuluyang dumulog sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI)-Cyber Crime Division kaugnay ng kumalat na video scandal umano ng aktres kamakailan.
Ngayong araw, December 28, nang magtungo sa NBI ang ina ni Maine na si Mrs. Mary Ann Mendoza kasama ang abogado ng 25-year-old TV host-actress para paimbestigahan ang kumakalat na sex video.
Hiling ng kampo ni Maine na maparusahan ang nasa likod ng pagpapakalat ng pekeng malaswang video.
Ito’y bagama’t una nang inamin ng girlfriend ni Arjo Atayde na kamukha niya ang babae sa video ngunit edited na raw gamit ang tinatawag na deepfake technology.
“Lumagay man kayo sa ‘min bilang magulang, siguro mararamdaman niyo rin yung sakit, yung nararamdaman naming mga pamilya niya,” naiiyak na sambit ng nakatatandang Mendoza.
Sa panig ng NBI, nangako ang Cyber-Crime Investigator na si Victor Lorenzo na masusi silang mag-iimbestiga kaugnay ng isyu.
Dumulog kahapon sa National Bureau of Investigation (NBI) ang kampo ng Kapuso celebrity na si Maine Mendoza para paimbestigahan ang kumakalat na video scandal sa social media.
Nagtungo ang abogado at ang ina ng aktres kay NBI Cyber Crime Division chief Victor Lorenzo para maghain ng reklamo.
Una nang napaulat ang pagtanggi ni Mendoza na siya ang nasa video scandal subalit kamukhang-kamukha umano niya ito kaya siya kinilabutan nang mapanood
Pati ang manager ni Mendoza ay una nang naglabas nang pahayag at sinabing peke ang naturang sex video at halatang minanipula o inedit .
Nais din nilang mapanagot ang responsable sa video, na naka-apekto sa imahe ni Mendoza.
Sinabi naman ni Lorenzo, magsasagawa sila ng imbestigasyon hinggil sa naturang video. Naalarma ang aktres nang i-share ng netizen sa Twitter noong Disyembre 22, 2020 ang screenshot ng nasabing video scandal.
Nakiusap din ang management ng All Access To Artist, Inc., sa publiko na huwag nang i-post, i-share o ipakalat pa ang video dahil handa silang magsampa ng kaukulang demanda laban sa gagawa pa nito.
-
P1.4 B MRT 4 tuloy na
Nilagdaan ng Department of Transportation (DOTr) at Spain-based design consultant IDOM Consulting, Engineering, Architecture SA ang isang consultancy contract para sa detalying architectural at engineering design na itatayong Metro Rail Transit Line 4 (MRT4). Ang kabuohang gastos para sa consultancy contract ay nagkakahalaga ng $28.967 million o tinatayang P1.4 billion sa peso. […]
-
PBBM, lumikha ng dalawang bagong special economic zones sa Pasig City, Cavite
TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang dalawang proklamasyon na naglalayong lumikha ng special economic zones sa Pasig City at Tanza, Cavite. Nilagdaan ng Pangulo ang Proclamations 512 at 513, noong Abril 1 na isinapubliko naman, araw ng Miyerkules. Sa ilalim ng Proclamation 512, pinili ni Pangulong Marcos ang ilang […]
-
Mr. Football, Ms. Golf sa PSA award
MAY dalawa pang magagaling na atleta sa katauhan nina Stephan Schrock at Bianca Pagdanganan ang special awardee sa Philippine Sportswriters Association (PSA) sa papasok na buwan. Igagawad kay Schrock ang ng Mr. Football award, habang si Pagdanganan ang unang tatanggap ng Ms. Golf sa SMC-PSA gala night sa Marso 6 sa Centennial Hall ng […]