Inaabangang movie version ng pumatok na BL series nina Kokoy at Elijah, malapit nang mapanood
- Published on May 25, 2021
- by @peoplesbalita
FOR sure nag-trending ang ‘World Gameboys Day’ noong Sabado kung saan ipinagdiwang ng mga fans ng Gameboys ang unang anniversary ng first Pinoy BL series na pumatok sa mga tao.
Siyempre kasamang nag-celebrate ng mga fans all over the world ang cast ng Gameboys namely Kokoy de Santos, Elijah Canlas, Adriana So, Kyle Velino, Miggy Jimenez at Kych Minemoto.
Maraming sorpresa sa fans ang World Gameboys Day tulad ng pag-awit ni Kokoy ng theme song ng Gameboys series at ang pag-rap on the spot ni Elijah. Inabot nang mahigit tatlong oras ang celebration pero sulit naman ang pagtutok ng mga fans dahil sa magandang balita which was announced by Direk Perci Intalan sa dulo ng celebration.
Magkakaroon ng movie version ang Gameboys at ipapalabas ito sa July 30. Ipinakita na ang trailer ng movie version ng phenomenal Filipino boy’s love drama kung saan agad itong umani nang iba’t-ibang klaseng reaction from the fans.
Mas maganda sana kung sa sinehan natin mapapanood ang movie version ng Gameboys kung saan ipinagpapatuloy ang love story nina Gavreel at Cairo. Pero hindi pa rin sure kung papayagan na ang pagbubukas ng mga sinehan by that time.
Ibang klase sana ang experience kung sa sinehan natin mapapanood ang Gameboys The Movie pero magandang idea na rin na maipalabas ito sa KTX.ph para mabawasan na ang pananabik ng mga fans and supporters nina CaiReel, Pearl, Terrence, Wesley at Achilles.
Kapapansin sa movie trailer ang chemistry at acting ng mga bida, ang mahusay na cinematography, ang presence ni Tita Susan (which represents the beliefs and ways ng mga nakatatanda) at ang maraming kung bakit may hatid na kirot ang pag-iyak ni Gavreel. Lahat ng mga ito ay masasagot kapag ipinalabas na ang movie.
Bukod sa movie ay ipapalabas din ang seven episodes ng Gameboys sa Heart of Asia Channel ng GMA. Ayon kay Direk Perci, dapat rin ito panoorin ng Gameboys fans dahil ibang klaseng edit naman ito sa kwento nin Gavreel at Cairo.
Siyempre may commercial break sa TV kaya dapat i-adjust ang kwento for it.
Kwento nga nina Kokoy at Elijah, kahit na sa tingin nila ay naibigay na nila ang lahat in terms of content sa Gameboys season 1, may ibang kwento pa rin ang movie, gayundin ang Season 2 ng Gameboys which will be shown after maipalabas ang movie.
Walang sinabi si Direk Perci kung kailan ipalalabas ang Gameboys Season 2 pero for sure mag-aabang milyong-milyon fans ng series all over the world.
Wish lang naman na sana ay happy ending ang kwento ng Gameboys The Movie. Sana naman ay hindi paiyakin ni Direk Ivan Andrew Payawal ang mga fans ng show.
Ngayon pa lang ay gusto na namin i-congratulate ang The Idea First Company for Gameboys The Movie. Winner na winner ito.
***
HOW nice naman na nagsimula na si Alden Richards ng taping para sa bago niyang series on GMA titled The World Between Us kung saan tampok din ang guwapong si Tom Rodriguez.
Matagal na rin naman natin hindi napapanood sa isang serye si Alden. Of course, nasa Centerstage siya pag Sunday at sa Eat Bulaga if kaya ng schedule niya.
Pero iba pa rin na mapanood siya sa isang teleserye kasi nahahasa ang acting niya in doing TV dramas.
Siyempre nakaabang din ang mga fans ni Alden sa movie na gagawin nila ni Bea Alonzo.
Nakatutuwa rin na patuloy ang pagdating ng endorsement deals kay Alden tulad nitong Lazada. Proof lang na malakas ang panghatak ni Alden sa masa at effective siyang endorser.
Lately ay hindi napapanood si Alden sa Eat Bulaga kaya may mga fans na nagtatanong kung umalis na siya sa number one noontime show.
Marahil busy lang si Alden sa iba niyang trabaho kaya wala siyang oras na maibigay sa Eat Bulaga. Pero tiyak na babalik pa rin siya rito pag kaya ng schedule niya. (Ricky Calderon)
-
BLACK CAP PICTURES LAUNCHES OFFICIAL POSTER OF MIKHAIL RED’S THRILLING ESPORTS MOVIE “FRIENDLY FIRE”
GAME on as Mikhail Red’s coming-of-age film “Friendly Fire” launched its official poster , and it’s giving a hip and energetic vibe! “Friendly Fire” stars Loisa Andalio as Hazel Sales, a female amateur gamer who plays the shooter game Project: Xandata and embarks on a journey of self-discovery. Discovered and recruited by Sonya Wilson […]
-
Dating adviser ni Duterte idinawit sa iligal na droga, ipinaaaresto ng Kamara
IPINAG-UTOS ng House Committee on Dangerous Drugs ang pag-aresto sa negosyanteng si Michael Yang matapos itong ma-cite in contempt dahil sa patuloy na hindi pagdalo sa imbestigasyon kaugnay ng P3.6 bilyong halaga ng shabu na nasamsam sa isang operasyon sa Mexico, Pampanga noong 2023. Si Yang, na naging adviser ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, […]
-
UGNAYAN NG PSC, KAMARA PINATIBAY
WALANG problema para sa Philippine Sports Commission ang pagiging abala sa kaliwa’t kanang mga trabaho, matapos itong ipatawag ng Senate at Congress para sa serye ng hearings sa mga proposed bills sa sports. Inimbitahan ni Senate Committee on Sports Chairman Sen. Christopher Lawrence Go para sa Philippine Boxing and Combat Sports Commission consultative hearings […]