• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Inaangkat na frozen meat posibleng magdala ng ASF, iba pang sakit

POSIBLE  umanong makapagdala ng African Swine Fever (ASF) at iba pang sakit ang mga inaangkat na frozen meat sa bansa, ayon sa agriculture expert.

 

 

“’Yung disadvantage talaga is ‘yung sa food safety kasi we don’t know ‘yung sa source, specifically kung paano binuo ‘yung manok sa farm… (Sa imported frozen meat) depende ho talaga, kung may bacteria na na-preserve, na-kontamina ‘yung meat and then ‘yun,” sinabi ni Dr. Sherwin Camba ng College of Agriculture and Food Science ng University of the Philippines-Los Baños.

 

 

“Halimbawa, dineliver na dito sa atin, ang tendency kasi is tropical tayo diba mainit, ang masama dun ‘yung mag-tothaw tas i-fofrozen mo ulit, dun na ‘yung potential contamination,” dagdag pa niya.

 

 

Aniya pa, mas nais ng mga consumer ang fresh meat kaysa sa mga frozen meat dahil nakasisigurado itong ligtas itong kainin.

 

 

Iginiit din niya na ang mga frozen meat ay maaaring ma-kontamina lalo kung pagdating sa bansa ay matutunaw na ito dahil sa mainit na panahon.

 

 

Ayon sa mga consumer, may pangamba ang mga ito sa pagbili ng mga angkat na frozen meat dahil hindi na ito masustansya.

 

 

Para naman sa isang nagtatrabaho sa Antipolo Public Market, sinabi niya na mas malasa ang mga sariwang manok kaysa sa frozen.

 

 

Karaniwan, mas ligtas at masarap gamitin sa kusina or sa restaurant dahil mas malasa at nanunoot ang timpla sa bagong katay na manok.

 

 

“Mas masarap ‘yung ano, lokal. Bagong katay,” ani Gerald. “Ang imported ay mas matubig kaysa lokal kaya ‘di gaanong kapit ‘yung lasa.”

 

 

Sinabi naman ni Tony, tindero ng baboy at manok sa palengke, na mas mabenta ang mga local poultry kaysa sa mga imported at karaniwan ay tumatagal ang mga imported na karne ng dalawa hanggang tatlong buwan bago maubos. ‘Yung mga imported chicken nag-i-stock sila ng 2-3 months.” .

 

 

Kadalasan, hindi sinasabi sa inangkat na frozen meat kung kailan ang original date of production. Hindi rin alam kung anong tutoong kalagayan ng inangkat na frozen na manok dahil posibleng na-repack na ito at hinaluan ng pampalasa, kung kaya’t madalas ay malansa ito.

Other News
  • “HER LOCKET,” a family drama film bags eight awards at SINAG MAYNILA FILM FESTIVAL 2024

      HER LOCKET, a Rebecca Chuaunsu Film Production, in cooperation with Rebelde Films, proudly announces the eight (8) awards it has received from the Sinag Maynila Film Festival held recently at Metropolitan Theater.     The Philippine premiere of HER LOCKET is a family drama film by J.E. Tiglao (Full length film category).     […]

  • Bong Go, hinikayat ang publiko na magpabakuna

    HINIKAYAT ni Senador Christopher “Bong” Go ang mga Filipino na maging katulad ng mga NBA fans at magpabakuna laban sa COVID-19 kung gustong makalabas ng pamamahay.   “Magpabakuna po kayo kung gusto niyong makalabas ng pamamahay ninyo,” ayon kay Go sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi.   “Sa […]

  • Luke 6:38

    Give, and it will be given to you.