• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Inakalang dahil buntis kaya sumasakit ang balakang: ANGELICA, nadiskubre na may bone death kaya sumailalim sa medical procedure

NAKALULUNGKOT at shocking ang rebelasyon ni Angelica Panganiban sa kanyang Youtube video.

 

 

Ayon kasi mismo sa aktres ay may sakit siya, na tinatawag na Avascular necrosis o bone death, na kinailangang isailalim siya sa medical procedure.

 

 

“I have Avascular Necrosis,” pahayag ni Angelica na inakalang ang pananakit ng kanyang balakang dati ay dahil lamang buntis siya noon sa anak niyang si Baby Amila Sabine.

 

 

Pero kahit nakapanganak na siya ay tuloy pa rin ang pananakit ng kanyang balakang kaya napilitan siyang magpatigin sa Asian Hospital.

 

 

Doon nadiskubre na may sakit siya na namamatay ang kanyang bone tissues dahil kulang siya sa supply ng dugo.

 

 

Sinolusyunan naman ang kanyang sakit sa pamamagitan ng isang medical prodcedure.

 

 

Lahad ni Angelica, “Nagawa na yung procedure kahapon. Nakapagpasok na sila, na drill na nila ‘yung hole papunta dun sa deadbone ko.

 

 

“Nilagyan nila ng plasma nang sa ganun ay magkaroon ng regrowth, mabuhay siya ulit, magkaroon ng blood flow.”

 

 

Nagpapakatatag si Angelica sa kabila ng kanyang sitwasyon.

 

 

“Minsan, I just can’t believe na, kumbaga at the age of 37, nagkaroon ako ng bone death, there’s something dead inside me.

 

 

“Patuloy ang pagiging positive na matatapos na yung kalbaryo dito sa nararamdaman ko dahil finally na pinpoint na namin kung ano talaga ‘yung sakit ko,” pahayag pa ng aktres.

 

 

***

 

 

TOTOO palang judge sana si Tito Boy Abunda sa Miss Universe na ginanap nitong Linggo sa El Salvador.

 

 

Pero nakakaloka dahil na-disqualify siya dahil sa isang tao… ang kandidata ng Pilipinas na si Michelle Marquez Dee.

 

 

Lahad ni Tito Boy, “Ako ay naimbitahan, but I was also disqualified from judging this year’s Miss Universe dahil I did an interview with one of the candidates, si Michelle Dee.

 

 

“Sa kanilang rules ay bawal iyon.”

 

 

Ayon pa sa King of Talk…

 

 

“I can imagine how difficult it is to judge, but we’re still very happy, Michelle got to the Top 10.

 

 

“We just have a lot of questions, but pagdating ni Michelle dito sana’y magkaroon tayo ng pagkakataong makausap siya nang personal.”

 

 

***

 

 

SA kabila ng mga nagagalit kay Allen Dizon bilang salbaheng Dr. Carlos Benitez sa ‘Abot Kamay Na Pangarap’ ay may clamor na sa ending ng serye ay sina Carlos at Lyneth (Carmina Villarroel) ang magkatuluyan at hindi sina Lyneth at RJ (Richard Yap).

 

 

“Hindi ko alam e,” pakli ni Allen.

 

 

“Wala akong idea talaga like yung tine-taping namin ngayon kaka-send pa lang kagabi ng script, hindi ko pa nababasa.

 

 

“Puro hand-to-mouth kami, e.

 

 

“Of course natuloy ang kasal namin pero after nun, siyempre magkakaroon ng mga away-away, mga conflict.”

 

 

Rebelasyon pa ni Allen nang tanungin namin kung totoong hanggang January eere ang kanilang show…

 

 

“March na! For now, March na. Pero hindi pa raw sure.”

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • San Miguel Beer liyamado sa 46th PBA Philippine Cup 2021 – Cone

    SINIWALAT kamakalawa ni Earl Timothy ‘Tim’ Cone na tuloy na ang pagbabalik-laro para sa Barangay Ginebra San Miguel ni Gregory William ‘Greg’ Slaughter sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup.     Gayunman, hinirit ng BGSM coach, na ang San Miguel Beer ang patok sa pagbabalik mula sa injuries nina six-time MVP June […]

  • Sa Asian Academy Creative Awards: KATHRYN at KOKOY, pambato ng ‘Pinas sa Best Actress at Best Actor

    INIHAYAG na ang National Winners ng ating bansa, na lalaban sa annual Asian Academy Creative Awards.   Magaganap ang awarding sa December 3 and 4, part ito ng Singapore Media Festival.   Nire-recognise ng AACA ang excellence in the film and television industry across 16 nations in the Asia-Pacific region.   This year ang pambato […]

  • DA, naghahanda ng P164-M halaga ng tulong matapos manalasa si ‘ Julian’

    NAGHANDA ang Department of Agriculture (DA) ng P164.27 milyong halaga ng agricultural inputs na ipamamahagi sa mga apektadong lugar kasunod ng matinding pananalasa ng Super Typhoon Julian.     Ayon sa DA-Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Operations Center, kabilang sa ‘available interventions’ ay ang pre-position ng agricultural inputs gaya ng bigas, mais at vegetable […]