• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Inalis na P3.8 billion sa health facilities enhancement fund, ibalik

PINABABALIK  ni Deputy Speaker at Batangas Rep. Ralph Recto ang tinanggal na P3.8 billion sa health facilities enhancement fund at gamitin ito para sa medical specialty centers law.

 

 

Ang apela ay ginawa ng mambabatas matapos lagdaan ni Pangulong Marcos ang batas na magtatayo ng mga Specialty Centers sa mga piling DOH hospitals.

 

 

“Kung hindi ‘yan mapopondohan sa 2024 budget, ibig sabihin sa 2025 pa ang implementasyon n’yan. If that happens, then it is akin to a patient who will stay in the emergency room for a long time while waiting to be admitted,” ani Recto.

 

 

Sa ilalim ng Medical Specialty Centers Law, nasa 17 specialization hospitals ang maidadagdag sa kasalukuyang mga special health facilities.

 

 

Ayon pa sa mambabatas, merong Health Facility Enhancement Fund (HFEP) sa national budget na isang regular feature sa annual health expenditures ngunit para sa taong 2024 ay kinaltasan ito ng P3.82 billion. Mula sa kasalukuyang P26.81 billion, naging P22.98 billion para sa susunod na taon.

 

 

Maaari aniyang pondohan ang Specialty Centers Act sa pamamagitan ng pagbabalik sa P3.82B na ibinawas.

 

 

“May bahay na po sa national budget na pwedeng buhusan ng dagdag pondo para ipatupad ang Medical Specialty Centers Law. In fact, DOH hospitals in which the specialty centers will be established have specific, line-item funding in the HFEP. What the House can do is simply augment it,” pagtatapos ni Recto. (Ara Romero)

Other News
  • Traffic management plan sa SONA, plantsado na

    TINIYAK ng ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na handa na ang traffic management plan para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakatakda sa Lunes, Hulyo 22, sa Batasang Pambansa sa Quezon City. Sinabi ni MMDA Ac­ting Chairman Don Artes na nasa 1,329 nilang tauhan ang naatasang […]

  • Ipasa ang Anti-Endo Law

    KINALAMPAG ng Malakanyang ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na agad na ipasa ang batas na magtutuldok sa “endo” o end of contract ng mga manggagawa sa pribadong sektor.   Ito’y makaraang manawagan ang iba’t ibang grupo ng mga manggagawa sa gobyerno dahil sa kawalan pa rin ng batas laban sa contractualization na isa sa ipinangakong […]

  • Suporta sa panukalang DPWH district office sa BARMM

    SUPORTADO ng isang Mindanaon solon ang panukala ni Pangulong Bongbong Marcos na bumuo ng isang district office para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM para mapabilis ang pag-aayos ng mga nasirang daan at tulay dulot ng bagyong Paeng.       Ayon kay Basilan Rep. Mujiv Hataman, napakaraming daan at tulay ang napinsala […]