• November 9, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Inamin na naiinip na ang Kuya Jak niya: SANYA, malinaw na ang mga mata pero hirap pa ring makikita ng dyowa

SA inauguration at ribbon-cutting ng Shinagawa Diagnostic and Preventive Care Center sa BGC, Taguig City last April 26, nakatsikahan namin ang mga ambassadors na sina Ellen Adarna at Sanya Lopez.

 

 

Pareho silang sumailalim sa lasik surgery kaya naman malinaw na malinaw na ang kanilang mga mata. Inamin si Sanya na noong una ay sobra siyang kinabahan sa gagawin procedure.

 

 

“In-assure naman ako ng mga taga-Shinagawa na it’s safe at sabi nila na, ‘we will make sure na magiging happy, right after na procedure.’ At nangyari po talaga ‘yun, kaya ngayon part na ako ng Shinagawa. ”

 

 

Dati extra effort ang ginagawa niya sa pag-arte dahil malabo ang kanyang mga mata. Hindi nga siya masyadong nakita ang kaguwapuhan ni Gabby Concepcion sa pagsisimula ng ‘First Yaya’.

 

 

Natanong din si Sanya, na ngayong 20/20 na ang vision niya, makita na kaya niya ang ‘the right one’.

 

 

“Masyado na ngang malinaw, tapos naghahanap ka ng ano…” sabay-tawa ni Sanya.

 

 

Open naman siya sa pakikipag-date at magkaroon na ng boyfriend pero, “nalilibang kasi ako sobra sa trabaho. Parang iniisip ko nga, paano ko pa ilalagay sa kanya, kung ‘yun tulog ko nga, hindi ko magawa. Paano pa yung relationship.

 

 

“Pero pag dumating naman ‘yun time na magkaroon tayo ng karelasyon, if ever na dumating man siya, ibibigay ko naman ang time ko, gagawa ako ng paraan.”

 

 

Aminado naman si Sanya na may nagpaparamdam at nangungulit sa kanya.

 

 

“Meron naman po, kaya lang hindi talaga ako pala-sagot pag nagmi-message sila at gustong lumabas. O baka naman friendly date lang. At lalabas man ako, palaging mga friends lang ang kasama ko.”

 

 

Opinyon naman niya sa pagkakaroon ng boyfriend na taga-showbiz at private person…

 

 

“Marami ang nagsasabi na, okey din ang taga-showbiz, para maintindihan ka sa trabaho mo.

 

 

“Meron ding nagsasabi na non-showbiz para pag nag-uusap kayo hindi about work, kasi magkaiba kayo ng industry. May matututunan ka from him, may matututunan siya sa ‘yo. So parang nagbi-blend kayo at nagma-match.”

 

 

Tanong pa namin, dapat pa bang ipaalam sa Kuya Jak (Roberto) niya at magkaroon ng approval sa magiging dyowa niya?

 

 

“Parang hindi na, go na kasi ang Kuya ko. Ang kuya ko na ang naiinip, ‘kelan ka ba? Anong plano mo day?

 

 

Samantala, ang Shinagawa Diagnostic and Preventive Care Center ay ang first one-stop medical na nag-o-offer ng Japanese standard health services providing a full line-up of comprehensive diagnostic tests and customizable screenings.

 

 

Matatagpuan ang kanilang clinic sa 8th and 23rd floor of Ore Central Building sa Bonifacio Global City sa Taguig. Open ito Mondays to Saturdays mula 8am hanggang 5pm.

 

 

Para sa mga interesadong i-avail ang kanilang services bisitahin lang ang kanilang official website www.shinagawa-healthcare.ph.

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • James, Issa at Enrique, sumuporta sa advanced screening: LIZA, nag-shine at nag-iwan ng marka sa ‘Lisa Frankenstein’

    NAG-SHINE ang Filipino actress na si Liza Soberano sa kanyang debut sa Hollywood sa horror-comedy film na ‘Lisa Frankenstein’ mula sa Focus Features at Universal Pictures International.   Mula sa inventive, delightfully twisted minds ng Academy Award®-winning na screenwriter na si Diablo Cody and first-time feature director ni Zelda Williams, hatid nila ang fiendishly clever […]

  • After two months: YENG, nagawa nang mag-open up sa pagpanaw ng pinakamamahal na ina

    ONE year daw na nag-shoot si Bianca Umali para sa season 3 ng HBO series na Halfworlds at next year daw ay maipapalabas na ito.     Kung hindi lang daw dahil sa pandemic, matagal nang natapos ang naturang series na kinunan sa Pilipinas.     Sey ni Bianca: “Iba po ang experience to work […]

  • DOH ayaw pa irekomenda Metro Manila-wide lockdown ‘sa ngayon’

    Hindi pa maimumungkahi ng Department of Health ang pagpapatupad ng mahihigpit na lockdown sa Kamaynilaan sa ngayon, pero hindi nila isasantabi ang posibilidad kung magpapatuloy pa rin sa paglala ang pagkalat ng coronavirus disease sa gitna ng mga localized restrictions.     ‘Yan ang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III sa panayam ng ANC, Miyerkules, ngayong 23,518 […]