• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Inaming ni-reject ang marriage proposal noon ng ex-boyfriend: RABIYA, after two years ay ready nang magpakasal kay JERIC

NA-MISS na pala ni Sanya Lopez ang paggawa ng action projects.  

 

 

Matatandaan na matagal ding napanood si Sanya sa epic serye na “Encantadia” na talagang todo-action siya roon, pero pagkatapos ay mga drama series naman ang mga ginawa at nasundann ito ng dalawang seasons ng romantic-comedy series na “First Yaya” at “First Lady” with Gabby Concepcion.

 

 

Kaya natuwa siya nang bigyan ulit siya ngayon ng GMA Network ng isang action series, ang “Mga Lihim ni Urduja.”   Natuwa si Sanya na magiging mini-reunion nila ang mega serye nila with  former Encantadia co-stars niya, sina Kylie Padilla at Gabbi Garcia.

 

 

Inamin ni Sanya na hindi rin biro ang ginawa niyang paghahanda para sa role niya bilang si Hara Urduja.  “Hindi po biro ang ginawa kong pagwu-workout ko para sa role, need kong magkaroon muli ng abs, tulad noong role ko sa “Encantadia,”  na medyo nahirapan akong ibalik,” kuwento ni Sanya.

 

 

“Hindi rin biro na makipag-action scenes ako sa mga kasama ko rito, like kina Kylie, Zoren Legaspi, Jeric Gonzlaes, Vin Abrenica, Kristoffer Martin, Michelle Dee at Arra San Agustin.”

 

 

Hindi nga biro ang mga action scenes dito at naikuwento rin ni Vin sa press conference, na naiiba raw ang mga ginawa nila rito, like kahit tagaktak na raw ang pawis nila, hindi pwedeng huminto, kailangang tuluy-tuloy ang eksena.

 

 

Kaya simula sa Monday, February 27, humanda na ang netizens sa sunud-sunod na action scenes.

 

 

                                                            ***

 

 

MABILIS nang sumagot si Rabiya Mateo sa interview sa kanya ni Boy Abunda sa “Fast Talk with Boy Abunda,” the other day tungkol sa pagbabalikan nila ng boyfriend niyang si Jeric Gonzales.

 

 

Tinanong kasi siya ni Boy kung kailan sila magpapakasal ni Jeric. Mabilis nga niyang sagot ay ready na siyang magpakasal sa boyfriend, “pero iyon po ay after two years pa at hindi pa naman ngayon na agad-agad,” natatawang sagot ni Rabiya.

 

 

Nauna kasi rito ay inamin ni Rabiya na ni-reject niya noon ang marriage proposal ng dati niyang boyfriend na si Neil Salvacion, dahil hindi pa siya ready na mag-settle down dahil marami pa siyang gustong ma-achieve, saka that time ay she’s only 23 years old, kaya nauwi nga sa hiwalayan ang relasyon nila ng boyfriend.

 

 

“This time feeling ko, na-fulfill ko na yung pangarap ko for my family.  May nabili na akong bahay for Mama at sa kapatid ko, nabigyan ko na sila ng savings, nakapag-ipon na po ako.  Kaya siguro, after two years pa ready na talaga akong mag-asawa.”

 

 

Naging masaya ang interview ni Boy kay Rabiya dahil habang nag-uusap sila, ipina-flash sa screen si Jeric kaya natatawa siya.

 

 

                                                            ***

 

 

MATUTULOY na nga ba ang paglipat ni Matteo Guidicelli sa GMA Network?

 

 

Ayon sa balita, sa morning show na “Unang Hirit” mapapanood si Matteo bilang men’s health and fitness correspondent.  Bagay na bagay nga raw iyon kay Matteo dahil hindi lingid sa kaalaman ng lahat na isang health buff ang 32-year-old actor.

 

 

Kaya ngayon ay marami nang naghihintay kung kailan nga papasok sa “Unang Hirit” si Matteo. Marami ring nagtatanong kung susundan daw ni Sarah Geronimo ang husband niya sa paglipat nito sa Kapuso Network.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • 24 senador pinalagan ‘People’s Initiative’ para sa Charter change

    NILAGDAAN ng lahat ng senador ng Republika ng Pilipinas ang isang joint statement laban sa signature drive ng ilan para maamyendahan ang 1987 Constitution, bagay na bubura raw sa boses ng mga mambabatas.     Ang pahayag ay binasa ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa isang plenary session habang pinag-uusapan ang kontrobersyal na People’s […]

  • PBBM, gobyerno “on track” sa pagsusulong ng key railway projects; determinadong resolbahin ang matindin problema sa trapiko

    DETERMINADO ang gobyerno ng Pilipinas na isulong ang “key railway projects” para tugunan ang “terrible stories” hinggil sa kakulangan ng quality time para sa maraming Filipino bunsod ng traffic congestion.  Ipinahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa  isinagawang paglagda sa  Metro Manila Subway Project (MMSP) Contract Packages 102 at 103 sa Palasyo ng […]

  • Internet connection sa LRT 2 pinalakas pa ng SMART

    Pinalakas pa ng Smart Communications ang network coverage sa lahat ng estasyon ng Light Rail Transit Line 2 upang mas mabigyan ng magandang serbisyo ang mga sumasakay.     Naglagay ang Smart ng microsites upang mas gumanda ang internet service sa LRT 2 na mayrong 11 na estasyon simula sa Santolan sa Pasig hanggang sa […]