• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Inanunsiyo isang araw bago ang kanyang kaarawan: VILMA, nagkaroon pa rin ng COVID-19 kahit sobrang ingat na

MAS lalo raw ginagalingan ni Jeric Gonzales ang pag-arte kapag nakararating sa kanya ang pambabatikos ng iba tungkol sa papel niya bilang si Davidson Navarro sa Start-Up PH.

 

 

Alam niya na hindi lahat ay kaya niyang i-please, na mayroon pa ring ilan na hanggang ngayon ay hindi matanggap na kasali siya sa cast ng naturang GMA drama series.

 

 

Pero sa halip na maapektuhan in a negative way, iyon mismo ang nagsisilbing inspirasyon kay Jeric para husayan ang akting niya sa kanilang show nina Alden Richards, Yasmien Kurdi at Bea Alonzo.

 

 

Kaya kung may namimintas, mas marami ang pumupuri ngayon kay Jeric dahil nabibigyan niya ng hustisya ang kanyang papel at napapatunayan niya sa mga detractors na may K o karapatan siya na maging parte ng Start-Up PH.

 

 

***

 

 

NAKU, wala na nga talagang pinatawad ang COVID-19!

 

 

Akalain mong kahit super-ingat na ang Star For All Seasons na si Vilma Santos ay tinamaan pa rin siya ng mapaminsalang sakit.

 

 

At ang nakakawindang pa, inanunsiyo ni Ate Vi na nagka-COVID siya noong November 2, isang araw bago ang kaarawan niya mismo.

 

 

Ayon pa kay Ate Vi, negatibo na naman siya sa virus pero ang dumapo raw sa kanya ay iyong tinatawag na ‘long COVID’ dahil nagkaroon ng complications. Kaya may mga nararamdaman pa rin siya sa katawan at kailangan pa rin niyang magpahinga.

 

 

 

(ROMMEL GONZALES)

Other News
  • Zubiri, Romualdez nagkasundo: ‘Word war’ tigil na

    NAGKASUNDO na sina Senate President Juan Miguel Zubiri at Speaker Martin Romualdez na itigil na ang “word war” sa pagitan ng dalawang kapulungan ng kongreso dahil sa kontrobersiya sa Charter Change sa pamamagitan ng People’s initiative (PI).     Ayon kay Zubiri, ginawa nila ang kasunduan sa harap mismo ni President Bongbong Marcos sa birthday […]

  • Welga ng PUJs bigo

    NABIGO ang mga welgista ng grupo sa transportasyon na miyembro ng public utility jeepneys (PUJs) dahil sa ginawang matinding paghahanda ng Metro Manila mayors sa nakaraang 2 araw ng welga noong Lunes at Martes.       Nag-welga at nag-protesta ang mga drivers at operators ng PUJs dahil sa kanilang masidhing pagtutol sa pagpapatupad ng […]

  • PDP-Laban Cusi Wing, tuluyan nang nilaglag si Pacquiao para makasama sa senatorial slate na sasabak sa Eleksyon 2022

    TULUYAN nang nilaglag ng PDP-Laban wing sa pamumuno ni Energy Secretary Alfonso Cusi si Sen. Manny Pacquiao para maikunsidera ito sa Senate slate para sa 2022 elections.    Nauna nang sinabi ng Cusi group na inalok nila si Pacquiao na makasama sa kanilang Senate slate matapos na mapatalsik ito bilang party president at sumunod naman […]