• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Incoming DSWD chief Tulfo, gustong itaas sa P1,500 ang monthly pension ng indigent seniors

SINABI ni incoming Department of Social Welfare and Development (DSWD) chief Erwin Tulfo na ipapanukala niya na itaas ang social pension ng mga indigent senior citizens sa P1,500 mula sa P500 sa oras na maupo na siya sa puwesto sa ilalim ng incoming Marcos administration.

 

 

Sa Kapihan sa Manila Bay forum, binigyang diin ni Tulfo na marapat lamang na bigyan ng konsiderasyon ang maintenance medicines at iba pang pangangailangan ng senior citizens alinsunod sa kanyang panukala na dagdagan ang monthly pension ng indigent elderly na giit nito ay hindi sapat.

 

 

“I will ask my relatives in the Congress kung pupuwede, gawin na lang siguro nating P1,500 para naman mailaban-laban naman siguro ‘yung mga tao kesa sa P500 o P1,000, medyo kulang,” ayon kay Tulfo.

 

 

Sa ulat, aprubado na sa Senado ang panukalang batas na magtataas ng social pension ng mga mahihirap na senior citizen.

 

 

Lumusot nitong Lunes ang Senate Bill No. 2506 na aamyenda sa RA 7432 o “An Act to Maximize the Contribution of Senior Citizens to Nation Building, Grant Benefits and Special Privileges and for Other Purposes,’ as Amended, and for Other Purposes.”

 

 

Inaprubahan ang nasabing panukalang batas matapos itong sang-ayunan ng 18 senador. Walang tumutol o nag-abstain sa botohan.

 

 

Sa ilalim ng panukala, gagawing P1,000 ang kasalukuyang P500 monthly pension allowance ng mga indigent o mahihirap na mga senior citizen.

 

 

Kapag napirmahan na ito at tuluyang maging batas, inaasahang hindi na sisingilin sa beneficiary ang transaction fee sa cash pay out.

 

 

Inilipat na rin mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) patungo sa National Commission of Senior Citizens ang pangangasiwa sa pamamahagi ng pension allowance.

 

 

Sinabi naman ni Sen. Joel Villanueva na kulang na kulang ang P500 na kasalukuyang tinatanggap ng mga senior citizen.

 

 

Si Villanueva ang isa sa mga nagsusulong sa naturang panukalang batas.

 

 

“The amount of ₱500 monthly social pension for indigent senior citizens has remained unchanged for more than a decade since it has been first established in Republic Act No. 9994 or the ‘Expanded Senior Citizens Act of 2010’. Hindi na po magkasingtulad ang halaga ng limangdaan noon at limangdaan ngayon. Tumaas na po ang presyo ng bilihin, marapat lang na itaas rin ang monthly social pension ng mga indigent senior citizens from ₱500 to ₱1,000,” ani Villanueva.

 

 

“May mga seniors po na wala talagang maaasahan at hindi na kayang magtrabaho at hindi kayang suportahan ng mga kamag-anak o kaya walang kamag-anak… the P1,000 social pension is the least we can give them,” dagdag pa niya.

 

 

Sa kabilang dako, nagpahayag naman ng intensyon si Tulfo na bigyan naman ng P1,000 allowance ang mga persons with disabilities (PWDs).

 

 

“What I’m going to do siguro immediately kapag pinalad tayo, lumusot tayo sa Commission on Appointments, I will talk to my sister-in-law and my nephew and the ACT-CIS party-list to help me out siguro na humingi ng dagdag budget para sa PWDs na gawin na rin sigurong P1,000,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Ang kapatid naman ni Erwin Tulfo na si Senator-elect Raffy Tulfo, ay target ang 5% fixed allocation sa annual appropriations ng national at local government units para sa health at support care ng PWDs at maging sa mga “kids and adults na may special needs.”

 

 

Aniya, naghahanda na siya para sa isang landmark legislation na naglalayong “seeks to significantly improve upon the present support system for the individuals and families in need.”

 

 

 

Samantala, inihayag naman ni Erwin Tulfo ang mga pangalan ng dalawa sa kanyang mga colleagues na hinirang niya bilang mga bagong undersecretaries ng DSWD, aniya sanay na sanay na ang mga ito sa relief operations.

 

 

“They have been with me for the past 10 years. She was also a member of the media back then in 2010 and nakasama na namin sa mga distribution ng mga ayuda [we have worked together in providing aid], especially in pandemic, that’s Sally Navarro,” anito.

 

 

“I have Jericho Javier as my Undersecretary for Operations. He’s been with me, we’ve been covering a lot of calamities. Nakita niya rin ‘yung mga distribution natin during the pandemic,” dagdag na pahayag ni Erwin Tulfo.

 

 

Matatandaang, nabanggit na ni Tulfo na hihingi siya ng tulong mula sa social workers at mga esksperto bilang advisers para gabayan siya sa kung paano ang tamang pagpapatakbo ng ahensiya at tumulong na tugunan ang iba pang mahahalagang usapin katulad ng teenage pregnancy at universal healthcare law.

 

 

Nanawagan din ito sa publiko partikular na sa mga kritiko na husgahan siya base sa kanyang performance bilang DSWD chief matapos ang anim na buwan.

 

 

Aniya, hahayaan niyang mayroong ibang mamuno sa DSWD kung hindi niya magagawa ng maayos at tama ang kanyang trabaho sa loob ng nasabing timeframe.  (Daris Jose)

Other News
  • Ads February 15, 2021

  • Suporta sa Presidential bid ni Bongbong sa 2022 tumitindi

    Dalawampu’t-limang cause-oriented organizations ang nagsanib pwersa para suportahan ang kandidatura ni Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. para sa pagka-pangulo sa darating na eleksyon sa Mayo 2022.       Kamakailan, binisita ng Progressive Alliance for BBM ang campaign headquarters ni Marcos sa Mandaluyong City para magsumite ng isang manifesto na nagpapahayag ng kanilang suporta.     […]

  • Pagpapasara sa POGO, pinag-iisipan na ni PBMM

    PINAG-IISIPAN na umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapasara sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.     Sinabi ni Sen. Imee Marcos na nakausap niya ang Pangulo noong nagtungo siya sa Palasyo para dumalo sa kaarawan ng kapatid at ito ang isa sa kanilang mainit na napag-usapan.     Iginiit umano ng […]