Incoming PCOO secretary, itinutulak ang accreditation ng mga bloggers sa Malakanyang
- Published on June 2, 2022
- by @peoplesbalita
INAAYOS na ng Malakanyang na makasama ang mga bloggers sa ilan sa mga briefings sa Palasyo ng Malakanyang.
Sa katunayan, sinabi ni incoming PCOO Secretary Trixie Cruz-Angeles na inaayos na nila ang accreditation ng mga bloggers sa Malakanyang.
Idinagdag pa nito na kasama ito sa kanilang prayoridad.
“We are pushing for the accreditation of bloggers to be invited to some of the briefings especially those conducted by the President,” ayon kay Atty. Trixie Cruz-Angeles, isang pro-administration blogger.
“Yun pa lang po, ‘yun ang isa sa aming na-formulate na priority for the incoming [Presidential Communications Operations Office],” dagdag na pahayag nito.
Sa ulat, malaki ang naging gampanin ng mga pro-administration bloggers sa panahon ng kampanya ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., may ilan ang nabigyan ng priority access noong panahon ng UniTeam sorties.
Ang access sa Malacañang coverage o Palace events ay kadalasang limitado lamang sa mga mamamahayag mula sa TV networks, online news outfits, at newspapers.
At sa tanong kung papayagan ng incoming administration ang lahat ng mga journalists o mamamahayag na mag-cover ‘physically’ sa mga Presidential events, sinabi ni Angeles na titingnan muna nila ang umiiral na polisiya sa usaping ito.
” I think we have to take a look at the existing policy first and determine the decision later on as to how appropriately they are at the current times. Well have to wait and see,” ayon kay Angeles.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na pinagbawalan ang Rappler reporter noong 2018 na makapasok sa buong Palace complex matapos na maglathala ng kritikial sa administrasyon. (Daris Jose)
-
“Depektibong” National ID system rollout, pinasisiyasat
PINASISIYASAT ni House Deputy Minority Leader Bernadette Herrera sa Kamara ang mabagal at ‘ depektibong’ rollout ng National ID system sa bansa. Sa House Resolution 471, dapat magpaliwanag ang mga ahensiya ng gobyerno na siyang nangangasiwa sa naturang prokyeto kabilang na ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), National Economic and Development Authority (NEDA), […]
-
IG post ni RUFFA tungkol sa ‘beauty in privacy’, may kinalaman daw sa isyu kina HERBERT at KRIS; super react ang netizens
PINAG-UUSAPAN ng netizens ang latest IG post ni Ruffa Gutierrez na kung saan pinagdiinan niya na there is a ‘beauty in privacy’. Post ni Ruffa, “Social media has made us so eager to show and tell but there is BEAUTY in PRIVACY. Everything isn’t meant to be on display. “It’s perfectly […]
-
Reklamo sa LTO, pwede na sa online
Maaari nang magreklamo online ang publiko sa Land Transportation Office (LTO) sa pamamagitan ng inilunsad na online complaint platform na “Isumbong Mo Kay Chief” QR code. Ang LTO “Isumbong Mo Kay Chief” QR code ay isang serbisyong digital na magagamit ng publiko para sa mas madaling pagpaparating ng mga reklamo at suhestiyon, gamit […]