Increase sa DOH budget, aprub kay Bong Go
- Published on October 8, 2022
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN si Senator Christopher “Bong” Go na palakasin pa ang healthcare system sa public hearing ukol sa panukalang 2023 budget ng Department of Health noong Lunes.
Sa pagdinig, binigyang-diin ni Go, chair ng committee on health and demography, ang kahalagahan ng 2023 budget ng DOH para sa pagbangon ng bansa mula sa pandemya at iginiit ang kanyang pagsuporta sa pagtataas ng pondo ng ahensiya para sa pagpapabuti ng sistema ng pangangalagang pangkalusugan.
Sinabi ni Go na kailangang i-capacitate at maayos na mabayaran ang health workforce upang palakasin ang healthcare capacity ng bansa.
Para maisakatuparan ito, ipinunto ni Go na dapat tiyakin ng gobyerno ang pagpopondo para sa allowance na kasama sa Republic Act No. 11712, o ang Public Health Emergency Benefits and Allowances for Health Care Workers.
Sinabi ni Go na ang DOH ay naglaan ng badyet na PhP19.9 bilyon na maaaring masakop ang mga benepisyo sa loob ng tatlong buwan.
Binigyang-diin din ni Go ang pangangailangang i-upgrade ang mga pampublikong ospital lalo na’t umaasa sa kanila ang mga mahihirap na pasyente.
Tiniyak ni Go sa DOH na handa siyang tumulong sa nasabing gawain. Ibinahagi ni Go na ang kanyang komite, noong nakaraang Kongreso, ay nakapagpasa ng 69 batas para sa pagpapabuti at pagtatatag ng iba’t ibang pampublikong ospital sa buong bansa. (Daris Jose)
-
ILANG KALSADA, DI PA RIN MADAANAN-DPWH
NAG-ABISO sa mga motorista ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na hindi pa rin maaaring madaanan ang walong kalsada habang limitado ang access ng limang pang kalsada dahil sa pagbaha, landslide, bumagsak na tulay at soil collapse o pagguho ng lupa. Ayon sa Department of Public Works and Highways-Bureau of Maintenance […]
-
JUSTIN BALDONI AND BRANDON SKLENAR STAR AS POLAR OPPOSITES RYLE AND ATLAS IN “IT ENDS WITH US”
A new life in the big city sets up an opportunity for love for Lily Bloom, the main character in Colleen Hoover’s #1 New York Times bestselling novel It Ends With Us. Charismatic neurosurgeon Ryle Kincaid is just that opportunity, sweeping Lily off her feet from the get-go. Playing the role of Ryle and helming […]
-
PBBM iaangat ang ugnayan ng Pinas sa China
NANGAKO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ilalagay niya sa mas mataas na antas ang relasyon ng Pilipinas at China sa kanyang 3-day trip sa Beijing. “I look forward to my meeting with President Xi as we work towards shifting the trajectory of our relations to a higher gear that would hopefully bring […]