Indemnification bill, inaasahang titintahan ni PDu30 – Sec. Roque
- Published on February 20, 2021
- by @peoplesbalita
INAASAHAN na mapipirmahan na anumang oras ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Memorandum Order kung saan 50% limit on advanced payment sa pagbili ng mga bakuna kontra Covid -19 ay papayagan na.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na dahil sa MO na ito ay makakabayad na aniya ng advanced payment ang mga lokal na pamahalaan na bumili ng kanilang mga bakuna.
Inaasahan din na mapipirmahan ang certification of urgency ng mga nakabinbin na indemnification bill.
Ang kopya ng mga nasabing dokumento ay ipamamahagi sa mga miyembro ng media kapag mayroon na aniya silang kopya.
Nilinaw ni Sec. Roque, na sa ngayon ay wala pang mga commercial used authorization ang kahit na anumang bakuna at nasa emergency used authorization (EUA) pa lamang ang Pilipinas.
At dahil aniya na sa EUA ay hindi pa talaga sigurado kung ano ang magiging side effects ng mga bakuna.
Kaya kinakailangang magkaroon muna ng no fault indemnification.
“Magkakaroon po tayo ng pondo at ang suggestion na inaprubahan na ni (Finance) Sec. (Sonny) Dominguez ay P500 million. At itong P500 million, dyan natin kukunin po lahat ng danyos na hihingin nung mga tao na di umano’y magkakaroon ng side effect dahil po sa mga bakuna,” ayon kay Sec. Roque.
“Bakit po no fault ang tawag dyan. no fault po kasi dahil sa ating batas.. bago ka makakuha ng danyos ay kinakailangan ay mayroong fault o negligence, pagkakamali o pagpapabaya. Pero hindi na po kinakailangan pruwebahan ang kapabayaan or ang pagkakamali. Basta mayroon kang ipinakitang side effect, bayad kaagad. Sa ganitong paraan, ay magagamit natin iyong mga bakuna na alam natin na sa ngayon ay ligtas at epektibo. Eh bakit naman tayo maghihintay hanggang magkakaroon ng commercial used authorization eh nandiyan na nga iyong mga bagong variant na mas nakahahawa at mas nakamamatay. So, ibig sabihin nito, gamitin na natin ang mga bakunang ito maski EUA pa lamang dahil sila po ay epektibo naman na dahilan para maiwasan o hindi magkasakit ang ating mga kababayan,” litaniya ni Sec. Roque.
Kung mayroon namang side effect ay may pondo naman na mapagkukuhanan para bigyan ng danyos ang mga taong posibleng magkaroon ng side effect na hindi na kinakailangan na pumunta pa sa korte.
Kaya nga, inaasahan ng Malakanyang na kapag nalagdaan na ang indemnity agreement ay magkakaroon na ng kumpiyansa ang taumbayan dahil kapag nadanyos aniya ang mga ito ay hindi na sila maghihirap sa pagkakaso dahil batid naman ng lahat na napakatagal ng kaso-kaso sa Pilipinas.
Sa indemnity agreement ay bayad agad kung mayroon ang mga itong side effects.
At para naman sa mga vaccine manufacturers ay kampante naman ang mga ito na naiintindihan ng lahat na EUA pa lamang ang hawak ng mga ito at hindi dapat maidemanda ang mga ito kung may mga side effects na biglang lumabas.(Daris Jose)
-
VP Sara, itinalagang OIC habang nasa state visit si PBBM
ITINALAGA si Vice-President Sara Duterte bilang Officer-In-Charge (OIC) habang wala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa kanyang state visit sa mga bansang Indonesia at Singapore mula Setyembre 4 hanggang 7, 2022. Sa ipinalabas na Special Order No. 75, nakasaad dito na upang matiyak na magpapatuloy ang government service, kailangan na magtalaga ng […]
-
Duque bumanat kay Locsin sa 50 milyong ‘syringe deal’
Tahasang tinawag ni Health Secretary Francisco Duque III na kasinungalingan ang akusasyon ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa umano’y paglaglag muli ng pamahalaan sa isang deal para makabili ng 50 milyong pirasong ‘syringe’ na gagamitin sa ‘vaccination program’ ng bansa. “Hindi totoo ‘yun. Kasinungalingan ‘yun, puro kasinungalingan ‘yun,” giit ni Duque […]
-
Ads February 24, 2020