Indemnification bill, inaasahang titintahan ni PDu30 – Sec. Roque
- Published on February 20, 2021
- by @peoplesbalita
INAASAHAN na mapipirmahan na anumang oras ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Memorandum Order kung saan 50% limit on advanced payment sa pagbili ng mga bakuna kontra Covid -19 ay papayagan na.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na dahil sa MO na ito ay makakabayad na aniya ng advanced payment ang mga lokal na pamahalaan na bumili ng kanilang mga bakuna.
Inaasahan din na mapipirmahan ang certification of urgency ng mga nakabinbin na indemnification bill.
Ang kopya ng mga nasabing dokumento ay ipamamahagi sa mga miyembro ng media kapag mayroon na aniya silang kopya.
Nilinaw ni Sec. Roque, na sa ngayon ay wala pang mga commercial used authorization ang kahit na anumang bakuna at nasa emergency used authorization (EUA) pa lamang ang Pilipinas.
At dahil aniya na sa EUA ay hindi pa talaga sigurado kung ano ang magiging side effects ng mga bakuna.
Kaya kinakailangang magkaroon muna ng no fault indemnification.
“Magkakaroon po tayo ng pondo at ang suggestion na inaprubahan na ni (Finance) Sec. (Sonny) Dominguez ay P500 million. At itong P500 million, dyan natin kukunin po lahat ng danyos na hihingin nung mga tao na di umano’y magkakaroon ng side effect dahil po sa mga bakuna,” ayon kay Sec. Roque.
“Bakit po no fault ang tawag dyan. no fault po kasi dahil sa ating batas.. bago ka makakuha ng danyos ay kinakailangan ay mayroong fault o negligence, pagkakamali o pagpapabaya. Pero hindi na po kinakailangan pruwebahan ang kapabayaan or ang pagkakamali. Basta mayroon kang ipinakitang side effect, bayad kaagad. Sa ganitong paraan, ay magagamit natin iyong mga bakuna na alam natin na sa ngayon ay ligtas at epektibo. Eh bakit naman tayo maghihintay hanggang magkakaroon ng commercial used authorization eh nandiyan na nga iyong mga bagong variant na mas nakahahawa at mas nakamamatay. So, ibig sabihin nito, gamitin na natin ang mga bakunang ito maski EUA pa lamang dahil sila po ay epektibo naman na dahilan para maiwasan o hindi magkasakit ang ating mga kababayan,” litaniya ni Sec. Roque.
Kung mayroon namang side effect ay may pondo naman na mapagkukuhanan para bigyan ng danyos ang mga taong posibleng magkaroon ng side effect na hindi na kinakailangan na pumunta pa sa korte.
Kaya nga, inaasahan ng Malakanyang na kapag nalagdaan na ang indemnity agreement ay magkakaroon na ng kumpiyansa ang taumbayan dahil kapag nadanyos aniya ang mga ito ay hindi na sila maghihirap sa pagkakaso dahil batid naman ng lahat na napakatagal ng kaso-kaso sa Pilipinas.
Sa indemnity agreement ay bayad agad kung mayroon ang mga itong side effects.
At para naman sa mga vaccine manufacturers ay kampante naman ang mga ito na naiintindihan ng lahat na EUA pa lamang ang hawak ng mga ito at hindi dapat maidemanda ang mga ito kung may mga side effects na biglang lumabas.(Daris Jose)
-
Sa gitna ng babala ng China: PBBM, pinanindigan ang mga bagong EDCA sites
PINANINDIGAN at kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na papayagan ang Estados Unidos na mag-station ng tropa nito at mga kagamitan sa apat pang bagong sites sa iba’t ibang panig ng bansa. Ito’y sa gitna ng naging babala ng China na ang payagan ang mas marami pang sites sa ilalim ng PH-US Enhanced […]
-
Cool Smashers kakasa sa ASEAN Grand Prix
HANDA na ang lahat sa pagsabak ng Creamline Cool Smashers sa 2022 Asean Grand Prix na idaraos sa Nakhon Ratchasima, Thailand sa Setyembre 9 hanggang 11. Nakatakdang lumipad patungong Bangkok ang buong delegasyon sa Miyerkules. Kumpleto ang Cool Smashers na magtutungo sa Thailand dahil base sa inisyal na plano, kasama si […]
-
OFFICIAL TRAILER FOR RIDLEY SCOTT’S NEW ACTION EPIC “NAPOLEON’ RELEASED
He came from nothing. He conquered everything. From acclaimed director Ridley Scott and starring Oscar®-winner Joaquin Phoenix, Napoleon is coming soon to cinemas. Watch the action epic’s official trailer now. YouTube: https://youtu.be/s021DC4_Rcc About Napoleon Napoleon is a spectacle-filled action epic that details the checkered rise and fall of the iconic French Emperor Napoleon Bonaparte, played by Oscar®-winner Joaquin Phoenix. Against […]