Independent panel na mag-iimbestiga sa mga naganap na summary executions noong drug war, pinabubuo
- Published on October 19, 2024
- by @peoplesbalita
HINIKAYAT ni House Minority Leader Marcelino “Nonoy” Libanan si Presidente Marcos na magbuo ng isang independent fact-finding commission na siyang mag-iimbestiga sa extrajudicial killings na may kaugnayan sa kontrobersiyal na war on drugs noong nakalipas na administrasyon.
“We urge the President to form a panel – similar to the Agrava Fact-Finding Board – that will probe the summary killings and identify all individuals who may be held criminally liable. Just like the Agrava board, the proposed commission should be independent from the legislative and executive branches of government,” dagdag nito.
Ayon sa mambabatas, bubuuin ito dapat ng mga indibidwal na kilala sa pagiging patas at walang kinikilangan o maay halong pulitika.
Ang five-member Agrava Fact-Finding Board ang nagsagawa ng imbestigasyon sa nagananap na asasinasyon noong August 21, 1983 ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. sa Manila International Airport.
Pinangunahan ito ng unang woman judge ng bansa na si retired appellate court Justice Corazon Agrava, kasama ang abogadong si Luciano Salazar, businessman Dante Santos, educator Amado Dizon, at labor leader Ernesto Herrera, na naging senador sa huli.
Sa loob ng 11 buwan, dininig ng board ang testimonya mula sa 194 saksi at nagsagawa ng 146 public hearings at binusisi ang mahigit sa 1,400 photographic exhibits.
Naging konklusyon ng board na si Aquino ay pinatay sa isang military conspiracy sa pangunguna ni noon ay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Fabian Ver.
Noong 1990, hinatulan ng Sandiganbayan ang 16 sundalo, kabilang na si Brig. Gen. Luther Custodio ng double life imprisonment dahil sa pagpatay kay Aquino at sa fall guy na si Rolando Galman. Si Ver ay namatay sa Thailand noong 1998. (Vina De Guzman)
-
Helper itinumba ng riding-in-tandem sa harap ng live-in partner
NASAWI ang isang 30-anyos na helper matapos pagbabarilin sa harap mismo ng kanyang live-in partner ng isa sa dalawang hindi kilalang mga suspek na sakay ng isang motorsiklo sa Malabon City, kahapon ng umaga. Dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo ang biktima na kinilalang si Cristalino Valino, […]
-
From Risk to Resilience: Understanding and Taking Control of Dyslipidemia
In celebration of the Heart Month of February, healthcare company Organon Philippines is spearheading the “Heart 2 Heart Talk on Optimal Cholesterol Control,” focused on raising public awareness about effectively managing Dyslipidemia and how Filipinos can protect their heart from the long-term impacts of high cholesterol levels. Renowned lipid experts Dr. Pipin […]
-
Cellphone ban sa klase inihain na sa Senado
Isinulong na sa Senado ang panukalang ipagbawal ang paggamit ng mobile device at electronic gadgets sa mga paaralan sa oras ng klase. Sa ilalim ng Electronic Gadget-Free Schools Act (Senate Bill No. 2706) na inihain ni Sen. Sherwin Gatchalian, sakop ng panukala ang mga mag-aaral sa kindergarten hanggang senior high school sa mga pampubliko at […]