• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Indonesia, pumayag na ilipat si Mary Jane Veloso sa Pinas-PBBM

PUMAYAG ang Indonesian government sa naging kahilingan ng Pilipinas na ilipat ang convicted overseas Filipino worker (OFW) na si Mary Jane Veloso sa lokal na bilangguan.

 

“Mary Jane Veloso is coming home,” ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa isang kalatas.

 

Sinabi nito na ang pagbabalik ni Veloso sa bansa ay produkto ng napakarami at dekadang diplomasya at konsultasyon.

 

“Mary Jane’s story resonates with many: a mother trapped by the grip of poverty, who made one desperate choice that altered the course of her life. While she was held accountable under Indonesian law, she remains a victim of her circumstances,” ang sinabi ng Pangulo.

 

Si Veloso ay inaresto sa Indonesia noong 2010 dahil sa pagdadala ng suitcase na may laman na 2.6 kilograms ng heroin at kalaunan ay sinentensiyahan ng kamatayan.

 

Samantala, nagpasalamat naman si Pangulong Marcos sa kanyang counterpart na si President Prabowo Subianto at sa Indonesian government para sa kanilang “goodwill.”

 

“This outcome is a reflection of the depth of our nation’s partnership with Indonesia – united in a shared commitment to justice and compassion,” ang sinabi ng Chief Executive.

 

“Thank you, Indonesia. We look forward to welcoming Mary Jane home.” ang masayang sinabi ng Pangulo. (Daris Jose)

Other News
  • Ads October 19, 2023

  • Nagpasalamat sa mga nakukuhang suporta at pagmamahal: VICE GANDA, naging emosyonal sa pagbabahagi ng kanyang pinagdaanan

    NAGING emosyonal ang Unkabogable Phenomenal Star na si Vice Ganda na kunsaan pinost ang mismong voice recording niya.       Na sa kabila pala ng tila masaya, mala-almost perfect na buhay niya at ng relasyon nila ni Ion Perez, may mga pinagdadaanan o pinagdaanan din ito nitong mga nakaraang buwan.       Aniya, […]

  • Target ng warrant of arrest, 3 pa timbog sa shabu sa Caloocan

    APAT na hinihinalang drug personalities, kabilang ang na-rescue na 16-anyos na estudyante ang arestado nang maaktuhan ng mga pulis na nagta-transaksyon umano ng illegal na droga sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni East Grace Park Police Sub-Station 2 Commander PLt Joemar Ronquillo ang naarestong mga suspek bilang si Antonio Cuevas, 58 […]