Inflation, magsisimulang humupa sa Enero, balik sa target range sa Hulyo –BSP
- Published on December 22, 2022
- by @peoplesbalita
INAASAHAN na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na magsisimulang bumagal at humupa ang inflation sa Enero ng susunod na taon at babalik ito sa normal na target range sa Hulyo.
Sinabi ni BSP governor felipe medalla na ang inflation ay magsisimulang maging normal matapos na umabot ito sa pinakamataas ngayong buwan kasunod ng 14-year high na 8.0% noong nakaraang buwan.
“Well ang tingin ko, huhupa na ang inflation, so inflation will be normal by the third, the fourth quarter of 2023. This hopefully will continue for the rest of 2024., so inflation will be normal by the third, the fourth quarter of 2023. This hopefully will continue for the rest of 2024,” ayon kay Medalla.
“January will be lower than December. February inflation will be lower than January, and so on and so forth so that by July or August next year, normal na uli ang inflation,” dagdag na wika nito.
Noong nakaraang linggo, sinabi ng BSP na inaasahan nito na ang inflation ay papalo sa average na 5.8% ngayong taon, Hindi nagbago mula sa mga nakalipas na projections o pagtataya noong nakaraang buwan. Mas mataas din ito kumpara sa target range na 2% hanggang 4%.
“The peak is projected this December, due to higher food prices caused by recent typhoons, along with higher prices of liquefied petroleum gas (LPG) and electricity rates,” ayon sa ulat.
Inanunsyo naman ng Manila Electric Company (Meralco) ang “higher electricity rates” habang ang oil firms naman ay nagtaas ng presyo ng LPG products para ngayong buwan ng Disyembre.
Para sa taong 2023, inaasahan ng Monetary Board na ang inflation ay papalo sa 4.5%, mas mataas kumpara sa 4.3% na naitala noong mga nagdaang monetary policy meeting. (Daris Jose)
-
‘Quezon City gov’t sinimulan na ang pagbabakuna sa mga buntis’
Sinimulan na ng pamahalaang lokal ng Quezon City ang pagbabakuna sa mga QCitizens nito na mga buntis buntis sa ilang vaccination sites sa lungsod. Ang mga nanay na nasa second at third trimester lamang ang maaaring mabakunahan. Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, bago bakunahan ang mga buntis, sasailaim muna sila sa […]
-
Kai Sotto papasa kaya sa panlasa ng mga NBA team sa 2022 NBA Draft?
SIMULA na ng agawan at pagpapalakas muli ng mga teams sa NBA upang makasungkit ng mga magagaling na bagitong players sa magaganap na 2022 NBA Draft. Mahigit sa 50 mga players ang nakataya na pag-aagawan ng mga teams na karamihan ay mga college standouts at international players. Kung maalala bentahe ng […]
-
Federer nakatakdang isubasta ang mga personal na gamit nito
Nakatakdang isubasta ni tennis star Roger Federer ang ilang mga personal na gamit nito. Sinabi ng 20-times Grand Slam champion na bukod sa mga ginamit nito sa tennis ay mabibili rin ng kaniyang mga fans ang ilang personal na gamit nito. Gaganapin ang live auction sa Hunyo 23 na mayroon lamang […]