Inflation sa bansa nag-umapaw sa 7.7%, pinakataas simula Disyembre 2008
- Published on November 5, 2022
- by @peoplesbalita
UMABOT na sa 7.7% ang “headline inflation” sa Pilipinas ngayong Oktubre 2022, ang pinakamabilis na pagtaas sa presyo ng mga bilihin simula pa Disyembre 2008 o halos 14 taon.
Ito ang ibinahagi ng Philippine Statistics Authority (PSA), Biyernes, ito matapos itaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas na umabot sa 7.1% hanggang 7.9% ang inflation nakaraang buwan.
“The headline inflation in the Philippines continued its uptrend as it moved up further to 7.7 percent in October 2022, from 6.9 percent in September 2022,” balita ng ahensya kanina.
“This is the highest recorded inflation since December 2008.”
Pangunahing dahilan dito ang mas mataas na annual growth rate sa index ng pagkain at hindi nakalalasing na inumin sa 9.4%, mula sa 7.4% nitong Setyembre.
Dahil dito, 5.4% ang average inflation rate mula Enero hanggang Oktubre ng kasalukuyang taon.
Simula nang maupo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., buwan-buwang tumataas ang presyo ng bilihin. Bumaba lang ang porsyento ng pagtaas nang isang beses noong Agosto.
-
Mga lugar na naka-granular lockdown, tututukan ng IATF
MAGPAPATUPAD ang pamahalaan nang mas mahigpit na pagmo-monitor sa iba’t ibang mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ito’y sa harap na rin ng gagawin nang pagbabahay- bahay ng mga taga DOH at mga nasa barangay upang madetermina ang mga mayroon ng sintomas ng virus. Importante […]
-
800,000 license plates ilalabas ng LTO
ANG Land Transportation Office (LTO) ay nagbigay ng target na makapaglalabas sila ng 800,000 na pairs ng license plates bago matapos ang taon. Mayroon mahigit na 13 million ang backlog ng LTO sa paggagawa ng license plates ng mga sasakyan. Ito ay ayon sa official na report ng ahensya. Ayon sa […]
-
Inamin ng manager na malaki ang utang na loob sa aktres: LIZA, lumipat na sa management ni JAMES at tanggap ni OGIE
NAKALULUNGKOT na malamang lumipat na pala ng management si Liza Soberano na hawak for 11 years ng showbiz columnist at talent manager na si Ogie Diaz. Lumabas kasi ang bali-balita nang makitang kasa-kasama ni James Reid sa Gold Gala sa Los Angeles si Liza. Kinumpirma na nga ni Ogie na hindi […]