Infotainment show na ‘Amazing Earth’, four years na: DINGDONG, maraming natutunan at enjoy sina ZIA at SIXTO sa panonood
- Published on July 8, 2022
- by @peoplesbalita
MAGKASUNOD na magsi-celebrate ng kani-kanilang anniversary this Sunday, July 10, ang infotainment show na “Amazing Earth” hosted by Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa kanilang 4th year anniversary at ang fun-filled adventure series na “Daig Kayo ng Lola Ko,” sa kanila namang 5th anniversary celebration.
Unang mapapanood ang “Amazing Earth” na sabi nga ni Dingdong, sa loob daw ng four years niyang pagho-host ng show, mas una raw siyang natututo dahil siya ang gumagawa ng weekly features. Every week ay nadadagdagan ang kanyang kaalaman sa mga ipini-feature nilang mga amazing guests na mga Filipinos here and abroad.
Happy si Dingdong, dahil ang mga anak nila ni Marian Rivera na sina Zia at Sixto ay mahilig manood ng mga animals tulad nang ipini-feature nila sa show. Mapapanood ang “Amazing Earth” at 5:30PM sa GMA-7.
The fifth anniversary episode of “Daig Kayo Ng Lola Ko” will be a special presentation dahil muling mapapanood ang Philippine entertainment icon and multi-awarded actress na si Ms. Gloria Romero, as Lola Goreng.
Kinausap muna ng production ang veteran actress kung pwedeng mapanood sa short intro for the anniversary episode at pumayag naman siya.
“We have to protect her nang magkaroon na tayo ng pandemic two years ago, kaya hindi na namin siya pinalabas sa mga sumunod na episodes, but we will always be grateful to her,” sabi ni Ms. Ali Nokom Dedicatoria, GMA’s Asst. Vice President for Drama.
Four Sundays na mapapanood ang “DKNLK.” This Sunday featured ang episode na “Bida Kontrabida,” headlined by Rufa Mae Quinto as Evil Queen, Jo Berry as Rumpelstiltskin, Cai Cortez as Sea Witch and Andre Paras as Big Bad Wolf. First kontrabida role daw ito ni Andre.
Directed by Rico Gutierrez, mapapanood ang special episode at 7:00PM, sa GMA-7 after “24 Oras Weekend.”
***
NAGPASILIP na ng kanilang first taping day ang biggest-reality game show of 2022 na “Running Man Philippines” sa South Korea.
Ang Korean adaptation ay co-production venture sa pagitan ng GMA Network at ng SBS Broadcasting Network of South Korea.
Nag-post nga si director Rico Gutierrez ng ilang highlights ng naging shoot nina Glaiza de Castro, Mikael Daez, Ruru Madrid, Buboy Villar, Lexi Gonzales, Angel Guardian at Kokoy de Santos sa Seoul, SK.
Bago sila nagsimula ng shoot, nag-courtesy call din muna sila sa Philippine Embassy sa South Korea, kung saan na-meet nila si Philippine Ambassador H.E. Maria Theresa B. Dizon-de Vega.
Hindi naman nagkait ang mga netizens na magbigay ng lakas ng loob sa mga participants at hihintayin nila ang pagpapalabas ng “Running Man Philippines.” Tatagal ang shoot ng reality show for almost two months sa iba’t ibang lugar sa South Korea.
***
MAY bago nang leading man si Sparkle star Kate Valdez.
Si Kelvin Miranda ang makakatambal ni Kate sa bagong GMA Afternoon Prime na “Unica Hija,” First time ni Kate na maging title roler sa isang project.
Looking forward naman si Kelvin na bago ang leading lady niya after niyang gawin ang “Lost Recipe” with Mikee Quinto at si Beauty Gonzalez sa “Stories From the Heart: Loving Miss Bridgette.”
Thankful si Kate na after ng successful drama series nila ni Barbie Forteza, ang “Anak ni Waray vs. Anak ni Biday,” na-excite siya nang malaman niya kung sinu-sino ang makakasama niya sa serye.
Gaganap niyang kontrabida si Faith da Silva, at makakasama niya ang StarStruck alumni na sina Katrina Halili at Mark Herras. Katatapos lang ni Katrina ng “Prima Donnas” at si Mark sa “Artikulo 247” with Rhian Ramos and Benjamin Alves.
Mami-miss ni Katrina ang anak na si Katie, at si Mark ang mag-ina niyang sina Nicole Donesa at Corky, dahil lock-in ang taping nila ng serye na sisimulan na nila this week.
(NORA V. CALDERON)
-
Tag-ulan, idineklara na ng PAGASA
PORMAL nang idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagsisimula ng panahon ng tag-ulan o rainy season sa bansa. Kasunod ito ng nararanasang severe thunderstorms na nagdulot ng malawakang pag-ulan sa nakalipas na 5 araw. “This satisfies the criteria of the start of the rainy season over […]
-
2 days bago matapos ang ‘GCQ with restrictions:’ Higit 7,300 bagong COVID case – DOH
Mula sa 8,027 kasabay ng 123rd Independence Day kahapon, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ngayong araw ng Linggo ng bahagyang mababa sa 7,302 na dagdag na kaso ng Coronavirus Disease (COVID). Mayroon namang 7,701 na gumaling habang 137 ang pumanaw. Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.6% […]
-
Bishop bida sa pagtakas sa Gin Kings Bolts inangkin ang game 3
NIRESBAKAN ng Meralco ang nagdedepensang Barangay Ginebra para agawin ang 83-74 panalo sa Game Three ng PBA Governors’ Cup kahapon sa MOA Arena sa Pasay City. Rumatsada si import Tony Bishop sa kanyang tinapos na 30 points at 17 rebounds para ibigay sa Bolts ang 2-1 bentahe sa kanilang best-of-seven championship series ng […]