Iniimbestigahan sa presinto patay
- Published on October 22, 2020
- by @peoplesbalita
PATAY ang isang di pa nakikilalang lalaki nang tangkain nitong barilin ang pulis na mag-iimbestiga sana sa kanya sa loob ng nag Manila Police District-Police Station 2, kamakalawa ng gabi sa Tondo,Maynila.
Inilarawan ng MPD-PS2 ang suspek na nasa edad 30-35, kayumanggi,katamtaman ang pangangatawan at may mga tattoo sa katawan, paa at braso.
Bago ang insidente,dinala umano sa nabanggit na himpilan ng pulisya ang suspek dakong alas 8:50 ng gabi matapos na mahuli sa Chacon St.,dahil sa paglabag sa RA9165 kilala bilang Comprehensive Dangerous Drug Act.
Ayon kay Cpl. Jomar Caligaran, dakong alas-9:15 ng gabi,nang maganap ang insidente sa loob ng opisina ng SDEU sa Station 2.
Ayon sa report ng pulisya, binitbit ang suspek ,bandang 8:50 ng gabi sa Chacon St.,Tondo dahil sa kasong paglabag sa Section 11 ng R.A. 9165.
Habang pinoproseso ang dokumento sa pagkakakilanlan sa suspek sa loob ng opisina ng SDEU ,nang bumunot umano ito ng baril na nakasuksok sa kanyang brief,at binaril si Caligaran .
Masuwerteng nagmintis kaya nagpambuno ang dalawa hanggang mabaril sa mukha ang suspek.
Isinugod naman sa Mary Johnston Hospital ang suspek may ilang metro lang ang layo sa presinto,subalit idineklara itong dead on arivalì.
Isasailalim naman sa masusing imbestigasyon si Caligaran sa tanggapan ng MPD- homicide section kung may katotohanan ang salaysay nito.
Hinihintay pa rin ang resulta ng awtopsiya ng biktima na nasa Cruz Funeral para sa safekeeping. (Gene Adsuara)
-
Pinatar Cup: Filipinas naghahandang bumawi sa Scotland
Siniguro ng Philippine womens’ football team ng bansa na Filipinas babawi sila at magtatala ng panalo sa nagpapatuloy na Pinatar Cup sa Spain. Matatandaang nalasap ng Filipinas ang unang pagkatalo sa kanilang debut game sa Pinatar Cap kontra sa Wales 1-0 noong Huwebes. Susunod na makakalaban ng Filipinas ang Scotland sa Sabado. […]
-
Hawaan ng COVID-19 sumipa sa 45% nitong Enero 4 – OCTA
Sumipa na sa 45 percent ang hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila nitong nakalipas na Enero 4, mas mataas sa dating 40 percent positivity rate sa Kalakhang Maynila. Bunga nito, inaasahan ng OCTA Research Group na pumalo ang bagong COVID-19 cases sa kada araw sa 10,000 hanggang 11,000 dagdag na kaso ng virus. […]
-
James, Issa at Enrique, sumuporta sa advanced screening: LIZA, nag-shine at nag-iwan ng marka sa ‘Lisa Frankenstein’
NAG-SHINE ang Filipino actress na si Liza Soberano sa kanyang debut sa Hollywood sa horror-comedy film na ‘Lisa Frankenstein’ mula sa Focus Features at Universal Pictures International. Mula sa inventive, delightfully twisted minds ng Academy Award®-winning na screenwriter na si Diablo Cody and first-time feature director ni Zelda Williams, hatid nila ang fiendishly clever […]