Init titindi pa sa 16 lugar – PAGASA
- Published on April 23, 2024
- by @peoplesbalita
PINAPAYUHAN ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Service Administration (PAGASA) ang publiko na mas marami pang tubig ang inumin araw-araw bunsod ng mas tumitinding init ng panahon.
Ito’y ayon sa PAGASA, sa posibilidad na maitala ngayong araw sa 16 na lugar sa bansa ang delikadong lebel ng heat index o “dangerous heat index”.
Sa huling monitoring ng PAGASA-DOST, inaasahang papalo sa 42°C sa Metro Manila habang pinakamainit na 45°C ang heat index sa Roxas City, Capiz; 44°C sa Puerto Princesa at Aborlan, Palawan maging sa Guiuan, Eastern Samar.
Nasa 43°C naman ang posibleng maranasan sa Dagupan City, Pangasinan at Catarman Northern Samar; 42°C sa Metro Manila at Bacnotan, La Union; Aparri at Tuguegarao sa Cagayan; Sangley Point, Cavite; Ambulong, Tanauan Batangas; San Jose, Occidental Mindoro; Pili, Camarines Sur; Iloilo City at Dumangas, Iloilo.
Ang dangerous heat index ay nasa pagitan ng 42°C hanggang 51°C na posibleng magdulot ng matinding pagkapagod, heat cramps at heat stroke sa tao.
Dagdag ng PAGASA na panatilihing nasa malilim na lugar, nakasuot ng komportableng damit at ugaliin ang madalas na pag-inom ng tubig.
-
ALDEN, nag-lock-in taping na para sa upcoming series at ‘di para sa movie nila ni BEA
KAHAPON, May 18, ay nagsimula na ang lock-in taping ng upcoming GMA Primetime series na The World Between Us. In the main cast sina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez. Bago ang lock-in taping, nagkaroon muna ng script reading ang cast at last Saturday, ginanap na ang isa pang script reading at kasama […]
-
Kapuso actress, hindi napigilang umiyak: ZOREN, ikinuwento kung bakit minadali ang kasal nila ni CARMINA
SA vlog ni Carmina Villarroel ay kinuwento ng mister niyang si Zoren Legaspi ang dahilan kung bakit minadali nito ang preparasyon sa kanilang wedding noong 2012. Kuwento ni Zoren, may kinalaman ang lahat sa ama ni Carmina na maysakit noong mga panahon na iyon. Gusto na nilang makasal bago maoperahan ang ama para makita […]
-
DBM, naglaan ng P2.2 bilyong piso para sa mga programa ng DoE sa taong 2023
NAGLAAN ang Department of Budget and Management (DBM) ng P2.2 bilyong piso para sa tustusan ang iba’t ibang programa ng Department of Energy (DOE) para sa taong 2023. Sinabi ng DBM na ang nasabing halaga ay “in line with the government’s bid to ensure affordable and clean energy supply in the country.” […]