Insentibo sa mga guro, matatanggap ngayong National Teachers’ month
- Published on September 12, 2022
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Department of Education (DepEd) na makakatanggap ang lahat ng mga guro ng kanilang mga insentibo kasabay ng pagdiriwang ng National Teachers’ Month mula Setyembre 5 hanggang Oktubre 5.
Makakakuha ng P1,000 ang mga guro sa pampublikong paaralan bilang insentibo.
Ginawa ni Department of Education (DepEd) Spokesperson Michael Poa ang anunsyo sa isang press conference, na sinabing magpapatuloy ang ahensya sa pagbibigay ng insentibo, katulad ng nakaraang administrasyon.
Ipinagdiriwang ang National Teachers’ Month mula Setyembre 5 hanggang Oktubre 5.
Binigyang-diin ni Poa ang mahalagang papel ng mga guro sa pag-aalaga ng mga mag-aaral, na nangakong gagawin ng ahensya ang lahat para matugunan ang kanilang mga pangangailangan.
Hindi sila mapapagod na makinig sa mga hinaing ng guro
Aniya, hindi man mabibigyan ng resolusyon overnight o sa mga susunod na linggo ngunit talagang adhikain nila sa Department of Education na matugunan ang kanilang mga suliranin.
-
LTO: Gagawin digital na ang pagbibigay ng traffic citation tickets
MAY plano ang Land Transportation Office (LTO) na maglabas ng libong handheld devices sa mga traffic enforcers ng LTO upang maging digitalize ang pagbibigay ng citation tickets sa mga lumalabag sa batas trapiko. Ang mga devices na nasabi ay gagamitin ng mga LTO enforcers upang magbigay ng automatic electronic temporary operator’s permit (TOP) sa mga […]
-
KRIS, natuloy na rin ang paglabas sa GMA Network bilang co-host ni WILLIE
GUMAWA ng pakikipag-usap si TV-host producer na si Willie Revillame, sa namamahala ng Clark International Airport sa Pampanga at sa Inter-Agency Task Force, para doon mag-show nang live, ang kanyang Wowowin: Tutok To Win daily, 5:30 – 6:30 PM, habang naka-ECQ ang Metro Manila/NCR. Kahapon, Sunday, August 8, doon din ginanap nang live […]
-
3 barangay sa Bontoc, isasailalim sa ‘ECQ-like’ lockdown
Simula alas-12:00 ng hatinggabi ng January 25, ay isasailalim na sa mala-enhanced community quarantine (ECQ) na lockdown ang tatlong barangay sa Bontoc, Mountain Province. Ito ang inanunsyo ng lokal na pamahalaan matapos makapagtala ang bayan ng mga kaso ng COVID-19 UK variant. Sa ilalim ng Executive Order No. 8 na pinirmahan […]