• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Internet speed sa Pinas, bumuti

BUMUTI ang internet speed sa Pilipinas sa huling buwan ng 2022, sa pinakabagong datos na ipinalabas ng global speed monitoring firm Speedtest by Ookla.

 

 

Batay sa pinakabagong Ookla Speedtest Global Index report, tumaas ang mobile download at fixed broadband speeds para sa bansa noong December.

 

 

Tumaas ang mobile median download ng bansa sa average na 25.12 megabits per second (Mbps) mula sa 24.04Mbps noong Nobyembre.

 

 

Ito ay 4.49% month-on-month improvement para sa mobile internet speed. Kumakatawan din ito sa 17.33% improvement mula nang pumasok ang Marcos administration noong July 2022.

 

 

Bumilis din ang December fixed broadband median download speed level sa 87.13Mbps mula sa 81.42Mbps na naitala noong Nobyembre na kumakatawan sa download speed sa 7.01% month-to-month at 26.39% mula July 2022 sa pagsisimula ng bagong administrasyon.

 

 

Ikinatuwa naman ni National Telecommunications Commission (NTC) officer-in-charge Commissioner Ella Blanca Lopez ang pagbilis ng Philippine internet speeds. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • PBBM, hinikayat ang publiko na magpartisipa sa traffic summit

    INIMBITAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang publiko na makilahok sa nalalapit na traffic summit at sumali sa talakayan sa paghahanda ng paraan para mapabuti ang sitwasyon sa trapiko.     Sa kanyang YouTube vlog, sinabi ni Pangulong Marcos na habang ang long-term infrastructure projects ay isinasagawa, patuloy pa ring naghahanap ang gobyerno ng […]

  • Ads September 14, 2023

  • McGregor isusunod si Pacquiao

    ISUSUNOD kita!   Pasaring ito ni former Ulti- mate Fighting Championship (UFC) star Conor McGregor ng Ireland kay World Boxing Association (WBA) super featherweight champion Emmanuel Pacquiao sa kanyang social media account.   “I will be ready for Texas and Texas will be ready for my fans! Then Manny, (Pacquaio)” paskil ng dating UFC featherweight […]