• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

INTERNET VOTING TEST RUN ISASAGAWA

MAGSASAGAWA ng inisyal na bahagi ng internet voting test run  ngayong weekend ang Commission on Election (Comelec) .

 

 

Sa abiso, sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez na ang aktibidad ay itinakda magsimula sa  Saturday (Sept. 11) ng alas 8 ng umaga (Manila time) at aabot ito hanggang Lunes  (Sept. 13) ng alas  8 ng umaga .

 

 

 

Dagdag pa ni Jimenez na ang voting list ay ipapaskil sa  official Facebook page ng Office for Overseas Voting (OFOV) kung saan makikita ang  last names, first names at middle initial.

 

 

 

Sinabi naman ni Commissioner Rowena Guanzon, commissioner-in-charge para sa  overseas voting, na hihilingin nito sa Kongreso na magpasa ng batas sa  mobile app voting para sa darating na eleksyon sakaling maging matagumpay ang aktibidad

 

 

 

“If these test runs are efficient, effective, and cost-effective, I will recommend to the commission en banc that we request Congress, the House, and the Senate, to consider passing a law to use mobile app voting in the future. If we are looking at 2025, that is quite possible because that is another three years from now, but I think the budget will be the main consideration,” pahayag ni Guanzon sa virtual briefing.

 

 

 

Aniya sa sandaling magamit na ang sistema sa mga susunod na halalan, makakatulong ito oara makatipid ng pondo ng gobyerno.

 

 

 

Ang internet voting test aypangungunahan naman ng Voatz , isang mobile viting solutions provider .

 

 

 

Magsasagawa rin ng test runs ngayong buwan ang iba pang service providers tulad ng  Smartmatic at  Indra Sistemas .

 

 

 

Noong Hunyo, nilagdaan ng Comelec ang isang memorandum of agreement sa mga kumpanya ng teknolohiya para sa pagsasagawa ng live test run ng kanilang mga sistema sa pagboto sa internet.

 

 

Ang proyekto ay bahagi ng exploratory study ng poll body ng mga teknolohiyang nakabatay sa internet para sa posibleng paggamit sa pagboto sa internet. GENE ADSUARA

Other News
  • Plano ni Sec. Roque sa politika, nakasalalay sa population protection

    KAILANGAN na makamit muna ng bansa ang population protection bago pa magdesisyon si Presidential Spokesperson Harry Roque kung ano talaga ang kanyang plano sa pulitika.   Nakasama kasi ang pangalan ni Sec. Roque sa senatorial lineup ng ruling party para sa 2022 national elections na isinasapinal na ngayon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.   “So, […]

  • Ex-cycling star Lance Armstrong ikinasal sa long-time GF

    IKINASAL na ang dating cycling star na si Lance Armstrong sa kanyang longtime girlfriend na si Anna Hansen.     Sa kanyang social media ay nagpost ito ng mga larawan ng kanilang pag-iisang dibdib.     Ang 50-anyos na si Armstrong ay nanalo ng Tour de France ng pitong taon na magkakasunod mula 1999 hanggang […]

  • Pagpapaliban ng 2022 Barangay at SK elections, aprubado sa komite

    INAPRUBAHAN ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms na pinamumunuan ni Mountain Province Rep. Maximo Dalog, Jr. ang substitute bill na magliliban ng December 2022 Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa susunod na taon.     Ang substitute bill ay pinagsama-samang mahigit sa 30 panukalang batas.     Sinabi ni Dalog na kabilang dito […]