Int’l travelers bumaba ng 95% mula nang mag-lockdown
- Published on July 16, 2020
- by @peoplesbalita
Bumaba ng 95 porsyento ang bilang ng mga international passenger na pumasok at lumabas ng bansa mula nang magsimula ang COVID-19 lockdown nitong Marso, kumpara sa kaparehas na panahon noong 2019, ayon sa Bureau of Immigration (BI).
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, mahigit sa 96 porsyento ang ibinaba ng international arrivals at 95 porsyento sa departure mula Marso 16 hanggang hunyo 30 dahil sa suspensyon ng mga flight at travel restrictions sanhi ng pandemya.
Tanging 189,000 pasahero lamang ang dumating sa bansa at 238,000 ang umalis sa panahong ito, kumpara sa 5016 milyong departure sa parehong panahon noong 2019.
“We do not foresee these statistics to rise in the near future while the entire world is still fighting to defeat this coronavirus,” ayon kay Morente.
Ayon kay deputy spokesperson Melvin Mabulac, maraming pasahero ang pumasok at lumabas sa bansa sa pmamagitan ng Ninoy Aquino International Airport dahil sarado ang ibang international gateways habang may lockdown.
Aniya, pinayagan lamang na magbalik-operasyon ang international flights sa Clark at Mactan airports noong Hunyo.
Ayon pa kay Mabulac, kabilang sa mga dumating ang mahigit 16,000 seafarers na bumaba sa barko makaraang i-quarantine sa mga barko sa Manila Bay. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
PINAKAMABABANG ACTIVE CASES NAITALA NG NAVOTAS
NAITALA ng Navotas City ang bagong record na pinakamababang aktibong kaso ng COVID-19 ngayong taon. Ayon sa ulat ng sa City Health Office, ang Navotas ay mayroon lamang 31 aktibong kaso nitong Nobyembre 2 na mas mababang record noong Pebrero 6 na may 33 kaso. “Just this Saturday, during our situationer, […]
-
PBBM, dumating na sa Cambodia para sa ASEAN summit
DUMATING na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Cambodia, Miyerkules ng gabi, Nobyembre 9 para dumalo sa 40th at 41st Summits ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Lumapag ang eroplanong sinakyan ng Pangulo dakong alas-6:45 ng gabi (Cambodia time) sa Phnom Penh International Airport. Sinabi ni Pangulong Marcos sa mga […]
-
MAG-INA ARESTADO NG NBI DAHIL SA ROBBERY EXTORTION
ARESTADO ang dalawang indibidwal ng mga ahente ng NBI- National Capital Region (NBI-NCR) sa entrapment operation dahil sa kasong Robbery Extortion sa Sta. Mesa, Maynila. Kinilala ang mga naaresto na si Jingky Joy Sena at kanyang ina na si Maricar Sena. Ayon kay NBI Director Eric Distor, nagreklamo ang biktima sa […]