• March 16, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Inuman nauwi sa madugo, 1 dedo

NAUWI sa madugo ang masayang pagdiriwang ng kaarawan ng isang trabahador nang humantong sa patayan ang pag-aaway ng dalawa niyang bisitang kapuwa kasamahan sa trabaho sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong saksak sa leeg, ulo at mukha ang biktimang si Arnel Dante, 44, habang nadakip naman ng mga barangay tanod sa tulong ng mga tauhan ng Valenzuela Police Sub-Station 9 ang suspek na si Jeffrey Boco, 35, welder, at kapwa stay-in sa Agree Development Inc. sa 25 A. Mabini St. Karuhatan.

 

 

Sa report nina P/EMSgt. Felix Viernes at P/MSgt. Julio Fernando kay Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr, masayang nag-iinuman ang mga trahabador ng Agree Development sa loob ng naturang kompanya dahil kaarawan ng isa sa kanilang ka-trabaho nang komprontahin ng suspek ang biktima matapos ang kasiyahan alas-10:30 ng gabi na nauwi sa kanilang pagsusuntukan.

 

 

Naawat naman ng kanilang mga kasamahan sa trabaho ang dalawa kaya nagpasiya na ang suspek na pumasok sa kanilang barracks upang magpahinga subalit, sumunod sa kanya ang biktima hanggang sa marinig na lamang ng kanilang foreman na si Safronio Aghoy, Jr. 54 at welder ding Januar Castillo, 48, ang nangyayaring gulo sa loob ng barracks.

 

 

Kaagad pumasok sa barracks ang dalawa at dito nila nadatnan ang duguan at nakabulagtang si Dante na may tama ng saksak sa ulo, leeg at mukha na naging dahilan upang humingi na sila ng tulong sa mga nagrorondang barangay tanod.

 

 

Nakuha ng mga tauhan ng SOCO sa lugar na pinangyarihan ng krimen ang malaking bahagi ng basag na baso na may bahid ng dugo na posibleng ginamit ng suspek sa pananaksak sa biktima.

 

 

Ani PLt. Robin Santos, hepe ng Station Investigation Unit (SIU), mahaharap ang suspek sa kasong Homicide. (Richard Mesa)

Other News
  • Robredo bukas suportahan tambalang ‘Pacquiao-Isko’ sa 2022

    Posibleng iisantabi ni Bise Presidente Leni Robredo ang pagtakbo sa panguluhan sa 2022 kung ‘yun ang mapagkakaisahan ng koalisyon ng mga oposisyon sa eleksyon sa darating na taon.     Ito nga ang ipinahiwatid ni Robredo sa panayam ng ANC, Lunes ng umaga, nang tanungin kung ano ang pagtingin niya kung sakaling maging running mates sa 2022 […]

  • Ipakikilala sa Thanksgiving Gala ng GMA Network sa July 30: SARAH, mukhang tuloy na tuloy na ang pagiging Kapuso kasama si MATTEO

    KALAT na kalat na ang balitang paglipat ni Asia’s Popstar Royalty Sarah Geronimo sa GMA-7, na halos dalawang dekada nang Kapamilya, kasabay din nito ang The Voice Kids na nakuha na raw ang rights ng Kapuso Network.     Isa nga si Sarah sa judge/mentor ng Philippines’ franchise ng American singing competition sa lumipas na […]

  • Comelec, bumuo ng Task Force

    BUMUO ang Commission on Elections (Comelec) ng Task Force Katotohanan, Katapatan at Katarungan sa Halalan (Task Force KKK sa Halalan) na naatasang pangasiwaan ang pagpapatupad ng mga alituntunin, pagrepaso sa mga registration forms, validation, pag-apruba at pag-endorso sa Commission en banc.   Inaatasan din itong subaybayan ang mga rehistrado at hindi rehistradong social media at […]