• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Inuman nauwi sa madugo, 1 dedo

NAUWI sa madugo ang masayang pagdiriwang ng kaarawan ng isang trabahador nang humantong sa patayan ang pag-aaway ng dalawa niyang bisitang kapuwa kasamahan sa trabaho sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong saksak sa leeg, ulo at mukha ang biktimang si Arnel Dante, 44, habang nadakip naman ng mga barangay tanod sa tulong ng mga tauhan ng Valenzuela Police Sub-Station 9 ang suspek na si Jeffrey Boco, 35, welder, at kapwa stay-in sa Agree Development Inc. sa 25 A. Mabini St. Karuhatan.

 

 

Sa report nina P/EMSgt. Felix Viernes at P/MSgt. Julio Fernando kay Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr, masayang nag-iinuman ang mga trahabador ng Agree Development sa loob ng naturang kompanya dahil kaarawan ng isa sa kanilang ka-trabaho nang komprontahin ng suspek ang biktima matapos ang kasiyahan alas-10:30 ng gabi na nauwi sa kanilang pagsusuntukan.

 

 

Naawat naman ng kanilang mga kasamahan sa trabaho ang dalawa kaya nagpasiya na ang suspek na pumasok sa kanilang barracks upang magpahinga subalit, sumunod sa kanya ang biktima hanggang sa marinig na lamang ng kanilang foreman na si Safronio Aghoy, Jr. 54 at welder ding Januar Castillo, 48, ang nangyayaring gulo sa loob ng barracks.

 

 

Kaagad pumasok sa barracks ang dalawa at dito nila nadatnan ang duguan at nakabulagtang si Dante na may tama ng saksak sa ulo, leeg at mukha na naging dahilan upang humingi na sila ng tulong sa mga nagrorondang barangay tanod.

 

 

Nakuha ng mga tauhan ng SOCO sa lugar na pinangyarihan ng krimen ang malaking bahagi ng basag na baso na may bahid ng dugo na posibleng ginamit ng suspek sa pananaksak sa biktima.

 

 

Ani PLt. Robin Santos, hepe ng Station Investigation Unit (SIU), mahaharap ang suspek sa kasong Homicide. (Richard Mesa)

Other News
  • Bidang-bida na sa ‘Ang Babae sa Likod ng Face Mask’: HERLENE, ipakikita na kayang maging leading lady at may chemistry sila ni KIT

    NGAYONG Summer, i-expect ang pure fun and entertainment ang hatid ng Puregold Channel sa much-anticipated release sa kanilang first ever romcom digital series na Ang Babae sa Likod ng Face Mask, streaming na ngayong March 26.     Ang 13-episode romantic comedy series ay conceptualized ng Puregold at prinoduce ng award-winning filmmaker na si Chris […]

  • KRIS, patuloy na lalaban at ‘di susuko para kina JOSHUA at BIMBY; tumutulong pa rin sa kabila ng pinagdaraanan

    SA latest IG post ni Kris Aquino, ipinakita niya ang kanyang hitsura na papayat nang papayat habang nakikipaglaban sa kanyang sakit.     Makikita na tinutukan siya ng gamot at nilalagyan ng IV, na kahit mararamadam mo ang sakit, nakukuha pa rin niyang ngumiti at magpasalamant sa nurse.     Kasama rin ang post ang […]

  • Tinanggihan sa pag-ibig: Bebot, kinatay ng sekyu

    ARESTADO kahapon (Lunes) ang isang security guard na umano ay pumatay sa isang babae sa Kawit, Cavite matapos tanggihan ng biktima ang kanyang pag-ibig.   Naaresto ang suspek na si Reggie Boy Estabillo sa isang ginagawang subdivision sa bayan ng Tanza, 3 araw matapos umano niyang patayin sa saksak ang 29-anyos na si Sarah Kaye […]