Investment hub ng Pilipinas matagumpay na naibida sa 2023 World Economic Forum
- Published on January 24, 2023
- by @peoplesbalita
MATAGUMPAY na naiparating ng Pilipinas sa World Economic Forum na bukas ang ating bansa sa mga negosyo.
Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, naibida ng Philippine delagation sa World Economic Forum attendees ang pagiging premier investment hub ng Pilipinas.
Punto ni Speaker Romualdez na maraming multinational company na ang nagpa-planong magtayo ng opisina sa ating bansa, kabilang dito ang Morgan Stanley, BlackRock, Ferrovial at Sequoia.
Ito ay dahil sa magandang investment climate ng Pilipinas at kakayanan ng mga Pilipino sa pagta-trabaho.
Sabi ni Speaker, nagawang i-impressed ng Philippine delegation ang mga dumalo sa World Economic Forum dahil sa ipinakitang pagkakaisa.
“So people took notice of it and said that its obvious that the Philippines is back. We are open for business, we are here listening and we are inviting everyone to see why the Philippines would be the best destinations to invest,” pahayag ni Speaker Romualdez.
Napansin din ni Speaker Romualdez na marami ang nagpahayag ng interes sa Davos kaugnay sa isinusulong na Maharlika Investment Fund.
“So we demonstrate at the WEF and to the world that the President is joined with his economic managers in the Executive alongside with the leaders from the Legislature and we are working and marching in lockstep with him,” pahayag ni Romualdez. (Daris Jose)
-
Sharpshooter guard Evan Fournier, aalis na sa NBA matapos ang 12 season
AALIS na si Evan Fournier sa National Basketball Association(NBA) matapos ang 12 season na paglalaro. Sa kasalukuyan ay isang unrestricted free agent si Fournier matapos niyang tanggihan ang alok sa kanya ng Detroit Pistons na $19 million contract para sa 2024-2025 season. Noong Pebrero 2024, napunta siya sa Detroit bilang bahagi […]
-
Russian troops nakapasok sa isa pang lungsod sa Ukraine
NAKAPASOK na rin ng mga sundalo ng Russia ang isa pang lungsod sa Ukraine na Kharkiv. Sa isang Facebook post, sinabi ng head ng regional administration na si Pleg Sinegubov na sakay ng mga “light vehicles” ang mga sundalo ng Russia. Sinabi rin niya na ini-eliminate na rin ng Ukrainian armed […]
-
JUDY ANN, bagay na gumanap na bida sa ‘Doctor Foster’ at si JULIA naman ang ‘other woman’
MAINGAY na agad ang adaptation na gagawin ng ABS-CBN mula nang ianunsiyo nila na nakuha nila ang rights ng Doctor Foster na orihinal sa British Television at na-adapt na ng ibang bansa. Ang pinakahuli na nag-adapt nito ay ang South Korea at puwede rin sigurong sabihing isa sa pinaka-successful adaptation noong 2020 at […]