• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Investments mula sa byahe ni PBBM, umabot sa mahigit P4 Trillion —DTI

UMABOT sa P4.019 trillion o US$72.178 billion ang pinagsama-sama, pinagtibay at pinrosesong investment mula sa foreign trips ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

 

Ito ang inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) sa ipinalabas na kalatas ng Presidential Communications Office (PCO).

 

 

Ayon sa departamento, ang mga investments ay nasa iba’t ibang stages, sabay sabing ang halaga ay pinagsama-samang 148 mga proyekto.

 

 

Inilarawan pa ng DTI ang pamumuhunan bilang negosyo, sabay sabing “investment promotion agency (IPA) registered with operations (US$205.53M or P11.4B), Business/IPA registered (US$983.21M or P54.75B) IPA registration in progress operations (US$5.079B or P282.8B), signed agreement with clear financial project value (US$9.771B or P544.152B), signed memorandum of understanding/letter of intent (MOU/LOI) (US$28.529B or P1.588T) and confirmed investment not covered by MOUs/LOIs and those that are still in the planning stage (US$27.345B or P1.522T).”

 

 

Winika pa ng departmento na masusi nitong mino-monitor ang 20 proyekto na may go signal at rehistrado na sa IPAs ng DTI, Board of Investments (BOI) at Philippine Economic Zone Authority (PEZA).

 

 

Sinabi pa ng DTI na karamihan sa mga investments sa naturang sektor ay “manufacturing, IT-BPM, renewable energy, data centers at telecommunications.”

 

 

Samantala, sinabi ng DTI na ang business engagements sa naging pagbisita ni Pangulong Marcos sa Tokyo, Japan para sa ASEAN-Japan Commemorative Summit ay idinagdag sa ginagawang pagmo-monitor ng ahensiya, kabilang ang US$263.08 million o P14B ng total value at siyam na investments sa kabuuang bilang ng mga proyekto.

 

 

Iniulat ng DTI na mayroong tatlong tinintahan na kasunduan na may malinaw na financial project value na nagkakahalaga ng US$85.07 million at anim na MOU/LOI na nagkakahalaga naman ng US$178.01 million.

 

 

Idagdag pa rito, ang naging partisipasyon ni Pangulong Marcos Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Meeting sa San Francisco, California ay idinagdag din sa DTI monitoring, kabilang ang US$672.3 million o P37.2 billion sa kabuuang halaga at anim na investments sa kabuuang bilang ng mga proyekto.

 

 

Matatandaang, napaulat na inulan ng kritisismo ang madalas na foreign trips ni Pangulong Marcos mula nang magsimula ang kanyang administrasyon, subalit idinepensa naman ni Pangulong Marcos ang kanyang mga naging pagbyahe sa ibang bansa, binigyang diin ng Punong Ehekutibo na ang kanyang partisipasyon at pagdalo sa mga events sa ibang bansa ay makatutulong para isipin ng mga ito (ibang bansa) ang Pilipinas.

 

 

Winika pa ni Pangulong Marcos na dapat tingnan ng publiko ang balik na investments sa mga nakalipas niyang pagbiyahe. (Daris Jose)

Other News
  • 2 seniors, 7 pa, kalaboso sa P694K shabu sa Malabon

    KULUNGAN ang kinabagsakan ng siyam na bagong identified drug personalities, kabilang ang 63-anyos na lola at 61-anyos na lolo matapos makuhanan ng halos P.7 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Malabon City.     Ayon kay Malabon police chief Col. Albert Barot, alas-2:40 ng madaling araw isagawa ng […]

  • Pinatitigil ni Angelica dahil ayaw mainggit: ANNE, kakaiba magpasabog ng kagandahan at nananatiling ‘Diosa’

    IBA talaga magpasabog ng kagandahan si Anne Curtis na kung saan marami talaga ang nag-init na kalalakihan at napa-wow ang followers niya.     Makikita sa kanyang IG post ang series of photos na halos lumuwa na ang kanyang boobey.     Nilagyan ito ni Anne na caption, “Iconic runway piece in time for the […]

  • Get ready for Colleen Hoover’s “It Ends with Us” movie adaptation, starring Blake Lively and Justin Baldoni

    LiLY Bloom’s story is now open for everyone to see. The highly anticipated movie adaptation of Colleen Hoover’s best-selling novel, “It Ends with Us,” is finally here. The film stars Blake Lively as Lily Bloom, Justin Baldoni as Ryle Kincaid, and Brandon Sklenar as Atlas Corrigan.         Directed by Justin Baldoni, “It […]