• April 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ipagpaliban ang physical distancing sa PUVs, suportado ni Senador Bong Go

SANG-AYON si Senador Bong Go sa rekomendasyon ng mga eksperto at mga doktor na pansamantalang ipagpaliban muna sana ang pagpapaluwag ng health protocols tulad ng pagpapaikli ng distansya ng mga tao sa pampublikong sasakyan.

 

Ang katwiran ni Go ay huwag na isugal kung may posibilidad na mas kumalat pa ang sakit na coronavirus.

 

Aniya, ayaw niya at ng pamahalaan na  tumaas muli ang numero ng nagkakasakit, lumala ang sitwasyon at tuluyang bumagsak ang  healthcare system.

 

“Kapag nakita kasi ng mga tao na pumayag na tayo na luwagan ang physical distancing measures sa public transportation, baka pumasok sa isip ng tao na pwede na palang maging kampante sa iba pang lugar. Mahihirapan tayo na limitahan lang sa transportation aspect ang polisyang ito,” ayon kay Go.

 

“Let us always remember that according to studies from experts, physical distancing is one of the most effective ways to avoid transmission of COVID-19,” dagdag na pahayag ni Go.

 

At sa pagtugon naman sa pangangailangan  ng  public transport sector, makabubuting humanap na lamang ng ibang paraan para tulungan ang ikinabubuhay ng mga  PUV operators at drivers   na hindi nailalagay sa panganib ang kanilang  buhay  at buhay ng ibang tao.

 

Kaya nga, kung maaari ani Go payagan sana ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board
(LTFRB) ang mga hindi pinayagang bumyahe noon para madagdagan ang masasakyan ng publiko.

 

Makabubuting pag-aralan din kung pwedeng i-subsidize muna ng gobyerno para hindi malugi ang PUVs pero mapanatili pa rin ang pagpapatupad ng mga patakarang poprotekta sa kalusugan ng ating mga kababayan.

 

“We should balance the convenience and safety of commuters. Opening the economy should not be at the expense of keeping the riding public safe from COVID-19,” giit ni Go.

 

Sa laban ng lahat  kontra COVID-19 ay marapat lamang na  bigyan  ng importansya ang posisyon ng mga medical experts.

 

“Pinakikinggan po palagi ni Pangulong Duterte ang mga rekomendasyon ng mga eksperto tulad ng mga doktor. Sila kasi ang mas nakakaalam sa aspetong kalusugan, at bilang frontliners natin sa gyerang ito, they know how to beat the enemy and keep the virus at bay, while there is still no vaccine available,” ayon kay Go

 

Sa panahong ito ay  importante ang ekonomiya pero mas importante ang buhay ng bawat Pilipino.

 

Ang pera ay kikitain  pero ang buhay ay hindi nabibili ng pera.

 

” A life lost is lost forever,” diing pahayag ni Go.

 

Sa ulat, isang  grupo ng mga healthcare workers ang umapela sa Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF) para ibasura ang panuntunan ng Department of Transportation (DOTr) na bawasan ang isang metrong physical distancing sa mga pampasaherong sasakyan.

 

Nag-aalala ang grupong Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19 (HPAAC) na dahil sa pagbabago sa panuntunan sa physical distancing ay lalong tataas ang mga dadapuan ng virus at tuluyan nang hindi makakarekober ang bansa.

 

Sinabi ni Dr. Carmela Kasala, opisyal ng HPAAC, na sa pagpapaluwag ng physical distancing, maaaring isipin din ng publiko na pawala na ang virus na puwedeng mapunta sa kawalang disiplina.

 

Iginiit niya na ang droplets buhat sa pagsasalita, paghatsing at pag-ubo lalo na kung hindi mapigilan ay maaa­ring kumalat sa hangin at maipasa ng mas mabilis lalo na kung dikit-dikit.

 

Sa katwiran ng DOTr na mahigpit naman ang tagubilin na palagiang magsuot ang mga pasahero ng face mask at face shield, sinabi ng grupo na hindi tiyak ang proteksyong maibibigay ng mga ito at magiging mabisa lamang kung may angkop na physical distancing. (Daris Jose)

Other News
  • Trillanes, 9 iba pa, pinaaaresto sa kasong sedition

    Naglabas na ng arrest warrant ang isang Quezon City court kahapon, Biyernes, Pebrero 14, laban kay dating Senador Antonio Trillanes IV at sa 9 na iba pang sangkot sa kasong conspiracy to commit sedition.   Inilabas ng Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 138 ang warrant kung saan nag-ugat ang reklamo matapos na makitaan ng […]

  • Alert Level 1 sa NCR, posible- Nograles

    MALAKI ang posibilidad na ilagay sa tinatawag na “most lenient” Alert Level 1 ang National Capital Region (NCR) kung magtutuloy-tuloy ang pagbaba ng kaso ng Covid-19 sa mga darating na araw.     Sinabi ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, magkakaroon ng preliminary assessment sa COVID-19 situation ang mga key officials ng […]

  • 82 iba pa nais sa Olympics

    NASA  83 national athletes ng 19 National Sports Associations (NSAs) , sa pangunguna ni 30th Southeast Asian Games PH 2019 Women’s Taekwondo gold medalist Pauline Louise Lopez ang mga sasabak sa mga Olympic Qualifying Tournament (OQT) sa pagnanais na makapag-32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong ng Hulyo 2021 sanhi Covid-19.   […]