• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ipagpapasa-Diyos na lang kung kailan mangyayari: SHERYL, never na tatanggi sa reunion project nila ni ROMNICK

ISA si Sheryl Cruz sa mga ambassadors ng Skinlandia Dermatology and Plastic Surgery na pag-aari nina Noreen Divina at Juncynth Divina na sumaksi sa ribbon cutting ang blessing para sa grand opening na ginanap last Saturday, June 1 sa SM City, Fairview.
Sila rin ang owner ng Nailandia na ine-endorse ni Marian Rivera na katabi lang ang puwesto sa Skinlandia.
Kapansin-pansin na wala halos make-up si Sheryl nang dumating sa event. Kitang-kita na parang hindi siya tumatanda dahil fresh looking pa rin at halata na maalaga talaga siya sa lalo na sa kanyang face.
Paliwanag niya, “I guess, it’s not because I want to be eternally young or youthful. It’s just that first, alam natin na ito talo ang bread and butter naming mga artist ‘yung buong package namin.
“And the same time, at my age. I Gusto really love to age gracefully.”
Kaya naman perfect siyang mag-endorse ng Skinlandia.
Natanong din siya Sheryl kung open ba siya sa reunion project ng dating siyang ka-loveteam na si Romnick Sarmenta na active pa rin sa TV at movie projects.
Sagot niya, “ako, ever since before, never kong tinanggihan ang reunion project with Romnick.
“Ang sa akin lang, it’s a matter of his time and it’s in God’s time.  Alam ko lahat, excited na magkaroon kami ng reunion.  Sino ba ang hindi?
“Pero that would be up to the one up there kung kailan niya kami pagsasamahin sa isang proyekto.”
Naitanong din kay Sheryl ang naungkat na isyu tungkol sa kanila ni Anjo Yllana. Na-engage pala sila pero hindi nauwi sa kasal dahil nakabuntis ang aktor.
Nagpakatotoo lang daw siya, dahil naitanong sa kanya ni Boy Abunda, at sabi pa niya, “Hindi naman kası ako ‘yun tao na parang I would keep it lalo na kung nangyari naman.”
Okay na okay naman sila ni Anjo at magkaibigan pa rin.
Samantha, ang influencer na si Jess Martinez na tulad ni Sheryl at mina-manage ng Artist Circle ni Rams David, ang napiling face of Skinlandia, na fresh and very promising star.
Open for franchise ang,Skinlandia, tumawag lang, mag-text o mag-Viber na sa 0995 577 0628 0915 106 0888, (02) 8282 4306 at mag-Viber sa 0917 868 8550 para sa mga detalye.
Bukod sa SM City Fairview, may branch din ito sa SM Jazz Residences.

 

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Gilas Pilipinas opisyal ng nakapasok sa FIBA Asia Cup 2025

    Opisyal ng maglalaro sa FIBA Asia Cup 2025 ang Gilas Pilipinas na gaganapin sa Saudi Arabia sa buwan ng Agosto sa susunod na taon.       Ito ay matapos na talunin ng New Zealand ang Chinese Taipei 81-64 sa home court ng New Zealand.     Matapos ang kasi ang pagkatalo ng Taiwan ay […]

  • Australia at New Zealand napiling host ng 2023 Women’s World Cup

    Napili ng FIFA ang Australia at New Zealand na maging co-host ng 2023 Women’s World Cup. Ito ang ay base sa ginawang botohan ng FIFA. Inanunsiyo ng FIFA sa pamamagitan g virtual executive council meeting kung saan 22 sa 35 na boto ang sumang-ayon sa pag-host ng dalawang bansa ng nasabing torneo.   Lumakas ang […]

  • Ads February 21, 2023