• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Ipakukulong ko kayo’: Duterte

“Bakuna o kulong” — ‘yan ang banta ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bahagi ng populasyon na ayaw paw ring magpaturok laban sa coronavirus disease (COVID-19) kahit pwede naman.

 

 

Matatandaang 60% ng mga Pilipino sa isang Pulse Asia survey noong Marso ang nagsabing ayaw nilang magpabakuna laban sa COVID-19, kahit na nakamamatay ang naturang virus.

 

 

“If you are a… person na hindi ka vaccinated, you are… a potential carrier [of COVID-19]… and to protect the people, I have to sequester you in jail,” wika ni Digong, Lunes ng gabi.

 

 

“Mamili kayo: magpabakuna kayo o ipakulong ko kayo sa selda?”

 

 

Wala pa namang komento ang Department of Health at si Philippine National Police spokesperson Brig. Gen. Ronnie Olay kung sang-ayon sila sa banta ni Duterte.

 

 

Wika ng kontrobersyal na pangulo, uutusan niya ang lahat ng mga barangay captain na gumawa ng listahan ng mga tumatanggi sa bakuna.

 

 

Ayon naman kay Health Undersecreatary Mryna Cabotaje, malamang sa malamang ay nasabi lang ito ni Duterte para idiin kung gaano kahalaga ang immunization upang wakasan ang pandemya.

 

 

“I think ilagay natin sa konteksto. Ang ating bakuna ay free and prior informed consent… I think it is borne out of the passion and the need of the president to emphasize the point na kailangan magbakuna to help us move on para maproteksyunan ang one another,” ani Cabotaje sa Laging Handa briefing kanina.

 

 

“I think that is the context na kailangan nating tingnan sa pronouncement ng

 

 

Sa huling taya ng gobyerno nitong Linggo, nasa 6.2 milyon pa lang ang nabibigyan ng first dose ng kanilang COVID-19 vaccine. Mas maliit lalo ang nakakakumpleto ng dalawang doses, na nasa 2,153,942.

 

 

Sa 108 milyong populasyon ng Pilipinas ayon sa World Bank, mahigit-kumulang 1.9% pa lang ang fully vaccinated.

 

 

Matatandaang napilitang ibalik ng Manila local government unit (LGU) ang walk-in vaccinations sa lungsod matapos hindi sumipot sa scheduled vaccination ang 23,200 sa 28,000.

 

 

“I am just exasperated by, you know, Filipinos not heeding the government. Eh tutal tayo dito wala naman tayong hangarin kung ‘di kabutihan ng ating bayan,” dagdag ni Duterte.

 

 

“So that 40 percent, hanapin ninyo ‘yan. Kayong mga barangay captains, I’ll task the DILG to do that, to look for these persons and… Kung hindi, I will order their arrest, sa totoo lang.”

 

 

Umabot na sa 1,359,015 na ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas nitong Lunes. Sa bilang na ‘yan, 23,621 na ang patay, ayon sa DOH. (Gene Adsuara)

Other News
  • Muling pag-extend ng ECQ sa NCR PLus, malabo- Sec. Roque

    MALABONG i-extend o palawigin ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) para sa third consecutive week sa NCR Plus sa gitna ng COVID-19 pandemic.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na malayong mangyari na i-extend ang ECQ lalo pa’t nabanggit na ni Budget Secretary Wendel Avisado na wala ng budget para sa karagdagang ayuda sa low-income […]

  • TOM, nagka-interes sa kakaibang character kaya niya tinanggap ang teleserye kasama sina ALDEN at JASMINE

    SIMULA na ngayong gabi, June 28, ang finale week ng top rating at pinag-uusapang romantic-comedy series na First Yaya nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez.     Nagsimula na ang twist ng story last Friday evening, and it seems, na wala nang maba-bash ang mga netizens na galit sa mga gumanap na kontrabida sa buhay […]

  • Bucks ayaw magkampante kahit nasa ‘best start’ ngayong season

    Hindi umano nagpapakampante ang Milwaukee Bucks kahit ito ngayon ang best team sa NBA, dahil sa patuloy na pamamayagpag na meron ng siyam na panalo at isa pa lamang ang talo.   Ang best start ngayon ng Bucks ay itinuturing din na pinakamagandang record sa kanilang franchise history.   Ngayon pa lamang usap-usapan na ng […]