• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ipinagdiinang ‘di pumapatol sa ‘one night stand’: KELVIN, mas gustong ginagastos ang pera na pinaghirapan niya

PINABULAANAN ni Kelvin Miranda na hindi siya ang tinutukoy sa blind item ng direktor na si Darryl Yap tungkol sa isang aktor na na-“booking” umano ng international singer na si Sam Smith.

 

 

Sa naturang blind, nai-book daw ni Sam Smith ang isang aktor sa halagang P1 milyon kada gabi.

 

 

“Ang dami na ring nag-ta-tag sa ’kin, even my friends, sine-send sa ’kin sa messenger, sa IG. Kailangan ba lahat, ito ‘yung pag-usapan?

 

 

“Gusto ko lang sabihin sa kanila na hindi, hindi totoo. Kumbaga, bakit ko gagawin ‘yun? Kumbaga, pinaghirapan ko lahat ng kung anong meron ako tapos sa ganoong klaseng bagay,” sey ng Sparkle actor.

 

 

Ayon kay Kelvin, hindi niya hinuhusgahan ang mga taong sangkot sa mga “booking” o pagbabayad kapalit ng one night stand.

 

 

“Pero ako kasi, hindi ako sanay nang hinuhusgahan ako. At hindi ko ginagawa ‘yung ganoong klaseng bagay.

 

 

“Mas gusto kong ginagastos ko ‘yung pera na kinikita ko. So hindi. Hindi talaga,” diin pa ni Kelvin.

 

 

Bibida si Kelvin sa upcoming ‘Encantadia Chronicles: Sang’gre’ bilang si Adamus ang unang lalaking Sang’gre, na tagapangalaga ng  Brilyante ng Tubig.

 

 

Kasama ni Kelvin sina Angel Guardian bilang si Deia, tagapangalaga ng Brilyante ng Hangin, Faith da Silva bilang Flamarra, tagapangalaga ng Brilyante ng Apoy, at Bianca Umali bilang si Terra, bagong tagapangalaga ng  Brilyante ng Lupa.

 

 

***

 

 

NAG-CELEBRATE ang Movie Queen at “First Lady of Philippine Cinema” na si Gloria Romero ng kanyang 90th birthday noong Biyernes, December 15, sa Sampaguita Events Place sa Quezon City. December 16, ang birthday ni Tita Glo.

 

 

Dumalo sa kanyang birthday celebration ang ilang mga kasamahan niya sa industriya gaya nina Helen Gamboa at anak nitong si Ciara Sotto, Celia Rodriguez, Boots Anson-Roa, Ricky Davao, Barbara Perez, Roderick Paulate, Laurice Guillen, Marita Zobel, Daisy Romualdez, Pepito Rodriguez, Liza Lorena, at iba pang mga personalidad.

 

 

Mukhang retired na sa pag-arte si Tita Glo at inaalagaan siya ng kanyang anak na si Maritess Gutierrez. Huling paglabas niya sa TV ay sa ‘Daig Kayo Ng Lola Ko’ sa GMA noong 2020. Huling pelikula niya ay ‘Rainbow’s Sunset’ noong 2018.

 

 

Ilang awards na napanalunan ni Tita Glo ay tatlong FAMAS Awards (Dalagang Ilokanq, Nagbabagang Luha, Tanging Yaman), dalawang Luna Awards (Tanging Yaman, Magnifico), at dalawang Gawad Urian (Tanging Yaman, Magnifico).

 

 

***

 

 

PUMANAW sa edad na 61 ang aktor na si Andre Braugher, na napanood sa mga hit comedy series na Brooklyn Nine-Nine at sa drama series “Homicide: Life on the Street.”

 

 

Kinumpirma ng publicist ni Andre na si Jennifer Allen ang malungkot na balita sa People and Variety.

 

 

Pumanaw ang aktor noong Lunes sanhi ng karamdaman. Tumatak sa mga televiewers si Andre sa kanyang role bilang si Captain Raymond Holt sa Brooklyn Nine-Nine na umere for 8 seasons.

 

 

Gumanap naman siya bilang si Detective Frank Pembleton sa Homicide: Life on Street, na nagbigay sa kanya ng Emmy award for lead actor.

 

 

Napanood din siya sa TV shows tulad na Gideon’s Crossing, Hack, Men of a Certain Age at Thief na nagbigay sa kanya ng ikalawang Emmy award.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Paglilinaw sa mga bahagi ng implementasyon ng SAP

    Upang masiguro na matutugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan sa panahon ng pandaigdigang krisis dulot ng pandemya, ang pambansang pamahalaan ay nagpatupad ng Social Amelioration Program (SAP). Ito ay nahahati sa dalawang bahagi- ang Relief at and Recovery. Bawat ahensya ng pamahalaan ay inatasan na tukuyin at ipatupad ang kanilang mga programa at serbisyo […]

  • Ads July 11, 2024

  • LALAKI NA PINANGBILI ANG P1K NA AYUDA NG DROGA SA KYUSI ARESTADO

    ARESTADO ng Quezon City Police District ang isang 40-anyos na lalaki matapos makumpiskahan ng shabu na binili gamit ang natanggap na P1,000 na ayuda mula sa gobyerno.     Sa ulat, na ipinadala kay QCPD Director P/B.Gen Danilo Macerin ni P/Lt.Col Melchor Rosales, alas-3 ng madaling araw nang sitahin ang suspek na si Joven Llera, residente […]