• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ipinagmamalaki nila ang Japanese film na ‘Monster’… LORNA, nahikayat ni SYLVIA na bumili at mag-produce ng pelikula

NAHIKAYAT ang award-winning actress na si Lorna Tolentino sa pagpo-produce ng pelikula.

 

 

Ito ang ipinahayag ni Ms. LT sa special celebrity screening ng “Monster,” ang family drama mula sa Japan and directed by Hirokazu Kore-eda, na ginanap noong October 3 sa SM Megamall Cinema 2.

 

 

Nakatanggap ng mga awards abroad ang movie na tungkol sa bullying and family dysfunction, na sinulat ng Japanese screenwriter na si Yûji Sakamoto and composer Ryuichi Sakamoto.

 

 

Sa napakagandang review at mensahe ng movie, na siguradong mata-touch ang Filipino audience. A must watch movie, kaya hindi dapat palagpasin.

 

 

Kuwento pa ni Lorna tungkol sa pagiging mag-partner nila ni Sylvia Sanchez, kasama ang mga anak na sina Ria at Gela Atayde.

 

 

“Nagpapasalamat talaga ako na isinama ako ni Sylvia na maging partner niya sa Nathan Studios. Nung nalaman ko na nagpro-produce na sila ng mga pelikula, sabi ko kay Sylvia, turuan niya ako kung paano mag-produce.

 

 

“Nagsimula talaga ito sa pagsasabi ko sa kanya na gusto kong mag-produce. At sabi niya, para matuto ako, dahil iba na ang klase ngayon ng pagpro-produce, sumama ka sa Cannes. At nung nandun na kami sa Cannes, nakita namin na pinipilahan nang husto ang ‘Monster.’ Gandang-ganda kami, kahit sa trailer pa lang.

 

 

“Maraming gustong makakuha para ipalabas sa iba’t ibang bansa ang ‘Monster’, lalo na sa Pilipinas. Doon na nagsimula, ito ang first venture namin together at may darating pa kaming mga pelikula.”

 

 

“Kung paano namin nagustuhan ang pelikulang ito, sana po ay ganun din ang maramdaman pagkatapos n’yo pong mapanood ang ‘Monster’,” dagdag pa ng magandang aktres.

 

 

Pahayag naman ni Sylvia tungkol sa ‘Monster’, “Ang rason din kung bakit dinala namin sa Pilipinas ang ‘Monster’ ay dahil magaling na direktor si Hirokazu Kore-eda, kahit marami ang ‘di nakakakilala sa kanya. Pero ang galing-galing niyang Japanese director. Parang Pinoy movie na tagos sa puso, ito yun Monster.”

 

 

“Sa nagtatanong sa goal namin, ang goal ng Nathan Studios ay mag-produce ng sariling pelikula rito sa Pilipinas. Bakit po, kasi naniniwala kami na maraming magagaling na actors na hindi nabibigyan ng pag-asa, na hindi nabibigyan ng chance.

 

 

“Gusto naming i-showcase at dalhin sa abroad ang mga actors na ‘yun. At the same time bibili rin kami ng pelikula sa abroad na alam naming matatanggap ng mga Pinoy at higit sa lahat matututo tayo sa pelikulang ito (Monster) at lalawak ang ating kaalaman tungkol sa mga pelikula.”

 

 

Dagdag pa ni Sylvia, “Kung nadurog kami nung pinanood namin ang pelikulang ito, maniwala kayo madudurog din kayo ‘pag napanood n’yo ang ‘Monster’.”

 

 

Alamin ang totoong anyo ng isang monster?

 

 

Paparating na sina Minato, Yori, Hori, Saori at Principal Makiko Fushimi ngayong October 11 sa mga sinehan nationwide.

 

 

Ang award-winning Japanese film na ‘Monster’ na hatid ng Nathan Studios at 888 Films International.

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Ads July 3, 2024

  • Devon, inili-link na ngayon sa kanya… DAVID, naka-focus sa career kaya single pa rin hanggang ngayon

    SA usapang “mana”, lahat ay nakikinig.     At tulad ng pagka-hook sa newest romantic-comedy on TV, ang ‘GoodWill’, na napapanood sa NET25 every Sunday at 4 pm right before the show ‘Korina Interviews’.     Eto ang latest sa inaabangan every weekend.     Sa Episode 6 ng ‘GoodWill’, si Lloyd Patawad (David Chua), […]

  • Pinuno ng PNP sa susunod na Administrasyon, kailangang masigurong hindi corrupt at dapat katakutan -PDu30

    KAILANGANG matiyak ng susunod na liderato ng bansa na makapagtatalaga ito ng pinuno ng Philippine National Police (PNP) na hindi kurakot.     Ang pahayag ng Pangulo, kapag tiwali aniya kasi ang maipupuwesto sa itaas, siguradong hanggang sa ibaba ay magiging corrupt.     Sigurado aniya na magkakanya- kanya na ang mga ito para gumawa […]