• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Irarampa ng bonggang-bongga ang Higantes costume… HERLENE, ‘di nagpakabog sa Tikbalang costume ni PAOLO para kay GRACIELLA

HINDI nagpakabog si Herlene “Hipon Girl” Budol sa Tikbalang costume na disenyo ni Paolo Ballesteros para sa co-candidate niya sa Binibining Pilipinas na si Graciella Lehmann, dahil ang magiging national costume niya ay inspired ng mga higante ng Angono, Rizal.

 

 

 

Nakilala ang hometown ni Hipon sa Higantes Festival at napili niyang isuot sa National Costume Fashion Show ay higanteng babae na ayon sa designer ay inspired kay Miss Universe 2018 Catriona Gray na minsan nang bumisita sa bayan ng Angono.

 

 

 

Hand-painted ang isusuot na body suit ni Hipon ng kulay hold at kahel na simbolo ng kulay ng hipon.

 

 

 

Promise ni Hipon na irarampa raw niya ng bonggang-bongga ang Higantes costume niya sa gabi ng national costume fashion show sa July 15. Pagkakataon din iyon ni Hipon na muling ipamalas ang kanyang signature walk na Sqammy Walk.

 

 

 

Sa July 30 naman ang inaabangang coronation night ng 2022 Binibining Pilipinas.

 

 

 

***

 

 

 

POSTPONED ang ilang tour dates ng Canadian singer na si Shawn Mendes dahil kailangan niyang magpahinga muna.

 

 

 

Masyado raw na-overwhelm ang singer sa sunud-sunod na performance nito at naaapektuhan na raw ang kanyang mental health.

 

 

 

Simula noong maging okey na ang mag-tour after two years, hindi na raw nagawang magpahinga ni Mendes.

 

 

 

Sa kanyang Instagram ay nag-apologize siya sa pag-postpone ng ilang concert dates dahil inabisuhan siyang magpahinga for the next three weeks para mabalanse ang kanyang physical and mental health.

 

 

 

“This breaks my heart to have to say this, but unfortunately, I’m going to have to postpone the next three weeks of shows through Uncasville, CT until further notice. I’ve been touring since I was I5 and, to be honest, it’s always been difficult to be on the road away from friends and family.

 

 

 

“After a few years off the road, I felt like I was ready to dive back in, but that decision was premature and unfortunately, the toll of the road and the pressure has caught up to me and I’ve hit a breaking point.

 

 

 

“After speaking with my team and health professionals, I need to take some time to heal and take care of myself and my mental health, first and foremost. As soon as there are more updates I promise I will let you know, love you guys.”

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Higit 2,000 trabaho, tampok sa Bulacan Trabaho Service Caravan

    LUNGSOD NG MALOLOS – Higit 2,000 oportunidad dito at sa ibang bansa ang naghihintay sa mga Bulakenyong naghahanap ng trabaho sa pagsasagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Youth, Sports, and Public Employment Services Office (PYSPESO) ng Bulacan Trabaho Service (BTS) Caravan sa Huwebes, Mayo 4, 2023, 8:00 ng umaga sa Bulacan […]

  • Ads September 16, 2021

  • PBBM, nakipagpulong sa BARMM governors para pag-usapan ang kapayapaan at kasaganahan — PCO

    NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga gobernador ng Bangsamoro region para talakayin ang mga usapin na may kinalaman sa daan patungo sa kapayapaan at kasagaan sa autonomous area.   Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) The PCO, kasama ng Pangulo sa naturang pagpupulong sina Special Assistant to the President Antonio Lagdameo Jr. […]