Irving, first time nakalaro na rin sa practice ng Brooklyn Nets
- Published on October 13, 2021
- by @peoplesbalita
Kinumpirma ng Brooklyn Nets na nakabalik na rin ngayong araw sa training camp ng koponan ang kanilang superstar point guard na si Kyrie Irving.
Una rito,inabot na rin ng apat na practice sessions na hindi pa nakakasali si Irving at isang pre-season games dahil sa isyu pa rin ng hindi nito pagpapabakuna
Aminado naman ang kanilang head coach na si Steve Nash, aasahan na raw nila na hindi rin makakasama sa mga home games si Irving.
Sa ngayon hindi pa nila sigurado kung ilang beses at kelan ito hindi maglalaro.
Kinumpirma rin ni Nash na hindi pa rin makakalaro bukas si Irving sa Philadelphia kung saan makakaharap ng Nets ang 76ers bilang bahagi ng preseason game.
Sa Huwebes ang huling preseason ng Nets sa kanilang home game laban sa Minnesota Timberwolves.
Kung hindi pa rin makakapagbakuna si Irving hindi na rin ito makakapaglaro kahit isang beses sa isang exhibition game.
Sa October 19 na ang muling pagbubukas ng bagong NBA season.
-
De Lima tinawag na isang kaduwagan ang pag-amba sa kanya ng suntok ni Duterte
TINAWAG na ni dating senador Leila de Lima na isang kaduwagan ang ginawang pag-amba ng suntok sa kaniya ni dating pangulong Rodrigo Duterte. Naganap ang insidente ng kapwa dumalo ang dalawa sa pagdinig ng Quad Comm sa House of Representatives. Sinabi ni De Lima na hindi niya alam na yun ang gagawin sa […]
-
MOA COMELEC AT MALLS PARA SA BSKE
LUMAGDA na ng kasunduan ang Commission on Elections (Comelec) sa mga malls para sa paghahanda sa Barangay at Sangguniang Kabataang Election ngayong 2023. Pinangunahan ni Comelec Chairman George Garcia at iba pang opisyal ng komisyon ang Memorandum of Agreement Signing sa SM City Manila kasama si SM Supermalls President Steven T.Tan. […]
-
DOTr: Pilot operation ng AFCS sa modern PUVs, tatagal ng 9-12 buwan
TATAGAL umano ng mula siyam hanggang 12-buwan ang pilot operation ng automated fare collection system (AFCS) sa mga modernong public utility vehicles (PUVs) na isinusulong ng Department of Transportation (DOTr), katuwang ang Land Bank of the Philippines (LBP). Ayon kay DOTr Undersecretary Timothy John Batan, sa kasalukuyan ay pili pa lamang ang mga […]