• April 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Irving papayagan na ring mag-practice sa Brooklyn Nets facility

Pinayagan na rin ang NBA supertar na si Kyrie Irving na makapag-practice sa kanilang team facility sa Brooklyn.

 

 

Gayunman hindi pa rin ito makakapaglaro tulad na lamang sa New York at home games kapag nagsimula na ang season dahil sa hindi pa rin ito nakakapagpabakuna laban sa COVID-19.

 

 

Ayon sa team, ang pasilidad nila sa Brooklyn ay maituturing daw na pribado, habang ang ilang mga estado sa Amerika ay naghigpit doon sa mga hindi bakunado.

 

 

Inamin naman ng coaching staff na mag-iisang linggo na rin na hindi pa nila nakikita si Irving mula ng magsimula ang training camp.

 

 

Una nang nanghinayang ang ilang players kung mababawasan sila ng katulad ni Irving lalo raw at wala itong katapat na players.

 

 

Sa darating na October 19 na ang opening ng bagong season ng NBA.

Other News
  • Ads January 8, 2021

  • PBA naghahanda na sa season opening

    Pinaplantsa na ng PBA management ang lahat para sa pagbubukas ng PBA Season 46 Philippine Cup na inaasahang masisimulan na sa susunod na buwan.     Pangunahing prayoridad ng PBA ang mga health protocols na gagawin bago simulan ang season.     Hindi naman na bago ang liga sa ganitong sitwasyon dahil nagawa na ito […]

  • Nagpa-surprise ang mag-asawang Dingdong at Marian: ZIA, nagkaroon ng dalawang 7th birthday celebration

    DALAWA ang naging birthday celebration ng panganak na anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Zia Dantes.   Sa actual date ng birthday niya at noong Linggo, November 27. Sa mismong birthday ni Zia, tila nagpa-surprise ang mag-asawa at walang idea si Zia na may naghihintay na surprises sa kanya. Pamilya at mga […]