Isa na naman sa dream niya ang natupad: KIM, ipinasilip na ang bonggang rest house sa Tagaytay
- Published on September 13, 2023
- by @peoplesbalita
BILANG selebrasyon ng 3 million subscribers sa kanyang YouTube channel, masaya at proud na ibinahagi ni Kim Chiu ang house tour sa kanyang newly-renovated rest house sa Tagaytay.
Sa kanyang IG post kasama ang mga photos, may caption ito na, “Happy 3 million subscribers! Maraming maraming salamat po for all the love and time sa pagnood ng mga vlogs ko and now as promised I’ll give you a tour sa sa aking fruit of labor.
“Visit my channel KIM CHIU PH for full video.”
Mababasa naman sa kanyang YT channel ang kanyang pagwi-welcome back sa kanyang mga followers…
“Hello everybody!
“Welcome back to my channel! First of all, I want to thank my new subscribers for joining and watching my videos. Maraming salamat sa suporta na binibigay ninyo sa sakin. Sobrang pasasalamat dahil na-achieve na natin ang 3 MILLION subscribers! YEHEY!!!
“Kaya for today’s video, sobrang special talaga ang inihanda ko dahil finally, ipapakita ko na sa inyo ang aking fruit of labor! Yes! As promised, dadalhin ko kayo sa aking rest house kung saan dugo’t pawis talaga ang aking naging puhunan. Para talaga sa pangarap, kailangan nating magsikap. “Here it is! Welcome to my rest house, my home. Tuloy po kayo! “Love, Kim.”
Isa nga ito sa dream ni Kim na natupad kaya happy siyang na-eenjoy na niya ito ngayon kasama ng kanyang pamilya.
Ang rest house ni Kim ay overlooking ang Taal volcano, kaya ang ganda ng view, lalo na raw ang sunrise.
Sa naturang vlog episode ay pinasilip ni Kim ang exterior ng rest house kasama ang dalawang guest room sa baba, na makikita ang pagsikat ng araw. Isa raw sa kanyang niyayabang bukod sa receiving lounge ay ang fire pit na nagustuhan niya sa bahay nang bilhin niya ito, at hindi niya pinagalaw, dahil gamit na gamit nila ito at puwedeng tambayan sa malamig na lugar.
Marami ang natuwa at nag-congratulate sa achievement na ito ni Kim at part 1 pa lang ito ng house tour niya.
Ngayong Linggo, September 17 sa part 2, sabay-sabay naman nating silipin ang interior ng kanyang bonggang rest house sa Tagaytay.
***
SHOUT out sa lahat ng manonood ng pinakabagong kinababaliwan mula sa Puregold Channel: ‘My Plantito’!
Maghanda na sa isang hapon na puno ng kilig at pagkasabik–sa My Plantito Fan Meet, na gaganapin sa Setyembre 16, 4:00 p.m., sa Puregold QI Central Store.
Nangangakong maging pagdiriwang na talaga namang kakaiba, ang fan meet ay magbibigay-pagkakataon sa mga tagasunod ng ‘My Plantito’ na makilala at makasama ang mga artista ng palabas, makisali sa mga palaro, manalo ng eksklusibong mga premyo, at makatanggap ng mga freebie.
Isang linggo pa lamang ipinalalabas ang ‘My Plantito’ subalit nabingwit na nito ang puso ng mga netizen dahil sa kombinasyon ng romansa, komedya, at saya. Itinatampok ang kagiliw-giliw na si Kych Minemoto bilang Charlie at ang misteryosong si Michael Ver bilang ang Plantito na si Miko, naging sikat na sa Tiktok ang serye, at bawat episode ay nakalikom na ng higit sa milyong mga view.
Walang duda na gustong-gusto ng mga fan ang matatag na chemistry sa pagitan ng BL (Boy-Love) tambalan, na kinikilala pa lamang ang isa’t isa. Dahil namangha sa naratibo ng kuwento at ang pag-arte ng mga kalahok na bida, kinasasabikan na ng mga manonood ang kauna-unahang fan meet kung saan maaaring makasalamuha ang mga bidang sina Kych Minemoto at Michael Ver, at ang iba pang miyembro ng cast na sina Ghaello Salva, Elora Espano, Devi Descartin, at Derrick Lauchengco.
Sa gabay ng producer na si Chris Cahilig at direktor na si Lemuel Lorca, paniguradong marami pang nakatutuwang handog ang serye sa susunod nitong mga episode.
Habang nag-aabang, huwag palampasin ang pagkakataong makikonekta sa kapwa-fan at ipagdiwang ang maagang tagumpay ng ‘My Plantito.’ Makisaya sa hapon ng tawa at hindi malilimutang mga kaganapan.
(ROHN ROMULO)
-
LAHAT NG SEMENTERYO SA VALENZUELA, SARADO SA UNDAS
ININANUNSYO ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian isasara ang lahat ng pampubliko at pribadong sementeryo sa lungsod simula October 30 hanggang November 3, 2020. Ayon kay Mayor Rex, ito ay alinsunod sa Executive Order No. 2020-205 bilang bahagi ng pag-iingat sa COVID-19. Aniya, ang mga nagnanais na gunitain ang Undas, maliban na lang […]
-
DepEd, hinikayat ang student-athletes na mag- apply para sa NAS scholarship
HINIKAYAT ni Education Secretary Leonor Magtolis Briones ang mga kabataan mula sa iba’t ibang sektor na mag-apply para sa scholarship sa National Academy of Sports (NAS) para ma-improve o maging mahusay pang lalo ang kanilang academic at sports skills. “I am urging all the student-athletes from all sectors of the society, including indigenous […]
-
Australian tennis star Nick Kyrgios nagpositibo sa COVID-19
NAGPOSITIBO sa COVID-19 si Ausralian tennis star Nick Kyrgios. Sa kanyang Instagram account, inamin nito na patuloy siyang nagpapagaling. Ito rin ang dahilan ng 26-anyos kaya hindi siya makakasali sa Sydney Tennis Classic Tournament na magsisimula sa Enero 17. Paliwanag nito na nais lamang niyang maging transparent kaya inamin […]