Isailalim na ang buong bansa sa MGCQ mula Marso 1
- Published on February 17, 2021
- by @peoplesbalita
IPINANUKALA ng National Economic Development Authority (NEDA) kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na isailalim sa Modified General Community Quarantine ang buong bansa simula Marso 1.
Sa public address ng Pangulo, Lunes ng gabi ay inirekomenda rin ni Acting NEDA Director General Karl Chua sa Chief Executive na palawigin na ang public transportation kung saan gawin ng 70 percent ang 50 percent na vehicle’s capacity.
Ipinanukala rin nito na ang edad ng mga Filipino na pinayagan na makalabas ng kanilang bahay ay unti-unting gawing 5 taon hanggang 70 taon mula sa 15 taon hanggang 65.
Sinabi rin ni Chua na ipinanukala rin ng NEDA na ang pilot face-to-face classes ay ituloy na.
Sa ngayon, nananatili sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) classification ang National Capital Region (NCR) at Davao City.
Nagsimula ito ng Pebrero 1 hanggang Pebrero 28, 2021.
Bukod sa NCR at Davao City ay isinailalim din sa GCQ ang mga lalawigan ng Batangas at Cordillera Administrative Region na kinabibilangan ng Abra, Apayao, Benguet, Baguio City, Ifugao, Kalinga at Mountain Province para sa Luzon; Tacloban City para sa Visayas; Davao del Norte, Lanao del Sur at Iligan City para sa Mindanao.
Ang Santiago City, Ormoc City at iba pang lugar ay isinailalim naman sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).
“Binigyan na po tayo ng pahintulot ng ating Presidente para ianunsyo ang quarantine classifications mula mula February 1 hanggang 28 ng taong ito. The abovementioned risk-level classifications will take effect starting Monday, February 1 until February 28, 2021,” ayon Presidential spokesperson Harry Roque.
“Uulitin ko po, nasa ilalim po ng GCQ ang mga sumusunod: ang NCR, ang CAR, kasama ang Abra, Apayao, Benguet, Baguio, Ifugao, Calinga, Mountain province; ang Batangas province, ang Tacloban City, ang Davao City, ang Davao del Norte, ang Lanao del Sur at ang Iligan City. Lahat po ng iba pang lugar sa Pilipinas ay mapapasailalim sa modified general community quarantine,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque. (Daris Jose)
-
Pamamahagi ng nabiling higit kalahating milyong antigen test kits, sisimulan na
SISIMULAN na ng National Task Force on COVID-19 ang pagpapakalat ng anti- gen test sa iba’t ibang mga LGU at ospital. Ito ang sinabi ni Deputy Chief Implementer at testing czar Secretary Vince Dizon sa harap ng mas pinaiigting pang testing efforts ng pamahalaan bilang pagtugon sa kontra COVID 19. Importante ayon kay […]
-
Transport group humirit ng P15 minimum jeep fare
ISA NA naman transport group ang naghain ng petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at humihingi ng P15 minimum jeepney fare. Ang Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) ang naghain ng nasabing petisyon sa pangunguna ni president Orlando Marquez dahil na rin sa “severity” ng pagtaas ng presyo ng […]
-
Jordan Peele Reinvents the Sci-Fi Horror Genre in ‘Nope’
FILMMAKER Jordan Peele, also known for Get Out and Us that disrupted and redefined the horror genre, reinvents the sci-fi horror genre this time in his latest film Nope. Shot with large-format and IMAX cameras, Peele, along with the film’s director of photography Hoyte Van Hoytema (whose work includes Christopher Nolan’s Dunkirk and Tenet) […]