NI-REVEAL ni Sandy Andolong na minsan din sinubok ang pagsasama nila ng kanyang mister na si Christopher de Leon na mahigit 40 taon na niyang kasama sa buhay.
Ayon sa aktres, minsan niyang nilayasan ang kanyang asawa.
“There was a time I left him. We had two boys that time si Rafael and Miguel. I left the house kasi parang ang chaotic. It was too much already. It was beginning to have a really bad effect on my two children at that time.
“So, I left Christopher. Nagulat si Christopher, pag-uwi niya, wala na ako.”
Nang umalis siya ng bahay, sinabi ng aktres na nanatili siya sa kumbento ng isang linggo para magdasal “and asking God for direction.”
Matapos ng naturang pangyayari, nagpasya umano si Christopher na “isuko” na ang kanyang buhay kay Hesus.
“Nag-LSS (Life in the Spirit Seminar) kami together because he kept telling me, ‘No, I want this to work. I don’t want to lose you. I don’t want to lose the boys. I want to have a complete family,’ kasi he comes from a broken family, I came from a broken family, I have an absentee father at that time. So ayun, nag-Oasis kami. That’s when things settled down na,” pagbahagi ni Sandy.
Magkarelasyon sina Christopher at Sandy mula noong 1980, hanggang sa ikasal sila noong 2001.
Sa Halong Bay sa Vietnam nag-renew ng kanilang “vows” sina Sandy at Christopher noong 2019. May lima silang anak na si Rafael, Miguel, Gabriel, Mariel, at Mica.
***
SIMPLE lamang pero puno ng pagmamahal ang naging marriage proposal ni Nash Aguas kay Mika dela Cruz.
Ikinuwento ni Mika kung paano nag-propose sa kanya si Nash Aguas noong January 4.
“Nakakatawa po. Nandoon lang kami sa living room tapos ako nakapambahay lang. Dala niya ‘yung iPad niya, nag-propose s’ya with the word of God,” kuwento ni Mika.
Ikinasal sina Mika at Nash noong May 18 sa Adriano’s Events Place sa Tagaytay. Sa same day edit video na inilabas ng Nice Print Photography, mapapanood na bago pa man ang seremonya ng kanilang kasal ay nagkaroon ng first touch at first prayer sina Mika at Nash.
“Everything we do syempre we seek God for guidance. It’s just that we wanted to pray before we enter the next season.
“Actually, that was our last prayer before getting married. And, we wanted to thank him kasi umuulan the whole day basically and then nag-stop ‘yung ulan nu’ng malapit na mag-ceremon,” pagbabahagi ni Nash.
Ikinuwento rin nina Mika at Nash kung bakit pinili nila na magkaroon ng intimate wedding. “On that day very important sa amin not because it’s our wedding, pero it’s our wedding with God. Gusto namin na ma-feel namin ‘yung presence ni Lord, ‘yung love for each other. We’re not against naman big weddings, pero I think it’s our personalities,” sabi ni Nash.
Pagpapatuloy ni Mika: “And also siguro rin para our families would be present din, na ‘yung side n’ya and ‘yung side ko makapag-usap.
“In terms of friends po, ang dami po naming friends. Like siya, we came from different networks so it would be so much po if we would invite everyone from that. Iba rin ‘yung work n’ya now so we didn’t want to choose. Ayaw po namin mamili na si ganito lang kasi we love each other, pantay-pantay po.”
***
ANG grand finalist na si Rica Maer ay babaunin daw ang komento ni Renz Verano sa darating na grand finals ng ‘Tanghalan ng Kampeon.’
Si Rica ay isa sa aabangang grand finalists ng Tanghalan ng Kampeon sa TiktoClock. Gaganapin ang grand finals ng Tanghalan ng Kampeon sa darating na June 12, 13, at 14.
Ayon sa ikalimang grand finalist ng Tanghalan ng Kampeon: “Ang hindi ko po makalimutan na sinabi po ng mga inampalan is ‘yung huwag mag-hold back, huwag kang matakot na ibigay mo ‘yung kung ano ang best mo. ‘Yun po ‘yung hindi ko makakalimutan na sinabi ni Sir Renz Verano po.”
Ayon pa kay Rica na bawat komento ng judges ay nakatulong sa kanilang mga performance.
“Sobrang malaking tulong po ‘yung mga advices nila kasi may mga good na comment and mayroon din pong kailangan i-improve. Para sa amin po, sobrang blessed po kami kasi mas lalo po kaming matututo kung ano pa po yung mga kailangan pa po namin ibigay.”
Inilahad ni Rica na ang mga payong ito ay babaunin niya sa darating na grand finals ng Tanghalan ng Kampeon.
“Babaunin ko po ‘yun hanggang sa grand finals. Ibibigay ko po talaga ng todo ‘yung performance ko po sa grand finals.”
Patuloy na tumutok sa TiktoClock para sa bangaan ng boses sa Tanghalan ng Kampeon. “Masaya Dito!” kaya manood ng TiktoClock Lunes hanggang Biyernes, 11 a.m. sa GMA Network at sa GTV. Mapapanood din ang TiktoClock sa YouTube via Kapuso Stream at sa TiktoClock Facebook page.
(RUEL J. MENDOZA)