Isang malaking proyekto ang nakatakdang gawin: DENNIS, gaganap na kauna-unahang serial killer sa Pilipinas
- Published on May 30, 2023
- by @peoplesbalita
BINALIKAN ni Pauline Mendoza ang mabigat na pagsubok na dumaan sa kanilang pamilya nang matuklasan na mayroong breast cancer ang kanyang ina noong 2017.
Nagpapasalamat ang Kapuso actress na kasama pa rin nila ngayon ang kanyang ina.
“It was tough. Nalaman ko na na-diagnose ‘yung mom ko, nasa taping ako at that time. Tinext ako ng mom ko, ‘I was diagnosed with breast cancer.’ Nasa taping ako noon tapos lahat pa ng eksena ko masasaya.
“At first hindi ko alam kung paano ko siya na-process. Going back to that moment, biglang na-feel ko na, ‘yun na nga… Only child kasi ako, so it was really hard for me,” paglahad ni Pauline.
Ayon pa kay Pauline, ayaw ng kanyang mga magulang na nakararamdam siya ng stress kaya itinago nila ito sa kanya. Pero kailangan din nila itong ipaalam sa kanya.
“Hindi sanay ang parents ko na umiiyak ako kasi… I mean… Ayokong makita nila ako. Noong nalaman ko ‘yun, hindi ko pinakita sa parents ko na malungkot ako, umiiyak ako. Pero ngayon umiiyak ako ‘di ba?,” sey ni Pauline.
Sa kabila ng kanilang pinagdaanan, nakita ni Pauline kung gaano katapang ang kanyang ina kahit na may iniindang sakit.
“Nakita ko sa mom ko kung gaano siya katapang. She’s the strongest, she’s the bravest. And sobrang kakaiba siya kasi noong nalaman niya na may breast cancer siya, parang normal lang sa kanya, parang wala siyang sakit at all. Kami pa ‘yung natatakot ng dad ko for her.”
Gayunman, hindi pa rin naiwasan ni Pauline na kuwestiyunin ang Diyos kung bakit sila ang napiling bigyan ng ganoong kabigat na pagsubok.
“I started to question Him, bakit kami? Bakit ako? Bakit si mom?’ Binigay sa akin ni God ‘yung answers kay mom pa rin. Na kung gaano siya katapang. Like whatever happens, kayang pagdaanan. So ang pinagdaanan naming tatlo with my dad, with my mom and ako.”
Nagpapasalamat si Pauline na kahit binigyan ng taning ang buhay ng kanyang ina, nananatili pa rin nila itong kasama.
“Ngayon ika-fifth year na niya. Sabi ng doctor hanggang five years lang daw siya to live because she has stage 4 breast cancer. But she’s doing okay now. Naniwala ako na, sabi ni God na, kakayanin niyong tatlo ‘yan and binigyan Niya ako ng faith. Naniwala ako sa Kanya na kung gaano katapang ‘yung mom ko, tinry kong maging mas matapang, para sa kaniya, para sa aming tatlo.”
***
ISANG malaking proyekto ang nakatakdang gagawin ng Kapuso actor na si Dennis Trillo.
Gaganap siya bilang kauna-unahang serial killer sa Pilipinas na may pamagat na “Severino.”
Ang kuwento ay batay sa tunay na mga pangyayari tungkol sa isang pari na serial killer na si Severino Mallari, na nangyari noong panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas.
Itinuturing na ang kaso ni Mallari ang kauna-unahang documented na serial killer sa Pilipinas.
Ang proyekto ay inanunsyo sa Cannes Film Festival, na eksklusibong iniulat ng Variety.
Ang “Severino” ay sa ilalim ng produksyon ng Filipino content production company na CreaZion Studios, na nasa likod din ng award-winning na mga pelikula na “1st ko si 3rd,” “Iska,” at “Patay Na Si Hesus.”
Nakipag-partner din ito sa production and financing company na Fire and Ice Productions.
Dati na ring gumawa si Dennis ng international project na “On the Job: The Missing 8,” na kinilala sa Venice International Film Festival.
***
SIGURADO na si Kiray Celis na ang nobyo niyang Stephan Estopia ang kanyang “the one.”
Kaya hinihintay na lang ng pamilya ni Kiray kung kelan magpapakasal ang dalawa.
“Kinukulit na ako ng mama ko. Bago ko bigyan ng P1 million ang mama ko, ‘Bawal kayong maglabas ah, kayong dalawa. Bawal.’ Noong nabigyan ko ng P1 milyon sabi niya, ‘Kelan kayo magpapakasal?’” tawa pa ni Kiray.
Pagbalik-tanaw ni Kiray, katulad niya, nanggaling din si Stephan sa isang relasyon na niloko. Naging bestfriend si Stephan ng kanyang kapatid ng 10 taon, at labas-pasok lang noon sa kanilang bahay.
Kuwento ni Kiray, hindi sila nag-uusap noong una ni Stephan.
“Noong nabanggit ko sa kapatid ko, sabi niya ‘Mabuting tao ‘yan ha, huwag mong sasaktan.’ Tapos ako, ‘Ha, hindi. Wala namang ‘meron’ sa amin.’ ‘Yun agad ang sinabi ng kapatid ko.
“Hindi magsasabi ‘yung kapatid ko ng ganoong statement kung hindi siya ganoon kabuti. Napatunayan ko na totoo talaga. Noong na-meet siya ng parents ko, ang gaang sa pakiramdam.”
Nauna nang inilahad ni Kiray na nanumbalik ang dating siya nang makilala na niya si Stephan, na naging daan para maka-move on siya mula sa maling tao.
(RUEL J. MENDOZA)
-
LUIS, maraming pinagdaanan at inamin na nagkahiwalay sila ni JESSY habang may pandemya
KUNG tutuusin, masuwerte si Luis Manzano dahil hindi naging hadlang ang pandemya para ma-achieve niya ang ilan sa mga mahahalagang pangyayari sa buhay niya. Engagement at kasal nila ni Jessy Mendiola. Then, hindi rin siya nawalan ng work at may sariling business na nagtuloy-tuloy lang din at mga endorsements. Pero sa […]
-
Sec. Roque, matapang na hinamon ng debate si VP Leni
MATAPANG na hinamon ni Presidential Spokesperson Harry Roque si Vice-President Leni Robredo ng isang debate. Ang dahilan ni Sec Roque, isa rin kasi sa maingay si VP Leni sa isyu ng West Philippine Sea (WPS). Sinabi kasi ni VP Leni na magkakaroon sana ng magandang diskurso sa publiko kung natuloy ang debate sa […]
-
“Paddington in Peru” wins the heart of moviegoers with a 93% Rotten Tomatoes score
As with the first two highly acclaimed Paddington films, Paddington in Peru has been garnering praises from audiences and film critics for its unique story, animation, and humor. Paddington in Peru sees the iconic bear in a brand new adventure as he tries to get back to his roots and solve a mystery involving his family in hist birthplace of […]