ISANG OFFSHORE GAMING, TINANGGALAN NG LISENSYA NG PAGCOR
- Published on June 2, 2023
- by @peoplesbalita
DAHIL sa maling pamamalakad sa offshore gaming sites, tinanggalan ng provisional accreditation ang isang offshore gaming hub, ayon sa Philippine Gaming Corporation o PAGCOR.
Ayon kay PAGCOR Chairman at CEO Alejandro Tengco ang Sun Valley Clark sa Freeport Zone Pampanga ay hindi na mabibigyan ng accreditation dahil sa kabiguan nitong masiguro ang tamang pamamalakad ng mga offshore gaming sites nito.
Muli namang binalaan ni Tengco ang mga offshore gaming operator na lisensyado ng PAGCOR na iwasan ang anumang pagkakasangkot sa anumang criminal activities kung gusto ng mga itong mapanatili ang kanilang mga lisensya.
Binalaan din ng PAGCOR ang mga foreign nationals kung saan pinag-iingat ang mga ito sa pagtanggap ng nakakasilaw na job offers sa bansa na ginagamit ng mga manloloko para sa human trafficking.
Ayon kay Tengco, patuloy ang ginagawa ng koordinasyon ng PAGCOR sa mga partner government agencies nito para labanan ang mga ilegal na aktibidad na may kaugnayan sa offshore gaming operations. GENE ADSUARA
-
PBBM, ibineto (veto) ang ilang probisyon sa 2023 National Budget
MAY Ilang probisyon na nakapaloob sa susunod na taong budget ang ibineto (veto) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Kabilang dito ang Special Provision No. 1, “Use of Income,” na ayon sa Pangulo ay bahagi na ng revenue and financing sources of the Fiscal Year (FY) 2023 National Expenditure Program na una ng naisumite […]
-
PAOLO, inamin na may ‘herniated disc’ dahil nasa lahi nila
SA Instagram account (@pochoy_29) ni Paolo Ballesteros, may isang netizen na nagtanong sa isa sa host ng Eat Bulaga sa kapansin-pansin na posture niya. Comment ni @irmabaylen78, “Hi, Pao! I always watch eat bulaga. Stress reliever ko kayong lahat. Medyo bothered ako sayo Pao. Napansin ko kse yun likod mo. May scoliosis ka […]
-
Pasahe sa jeep, posibleng umabot sa P50
NANGANGAMBA ang isang commuters group na posibleng umabot sa P50 ang pasahe kung tuluyang mapapalitan ng mga modernong public utility vehicles (PUVs) ang mga tradisyunal na jeepney. Ayon kay Julius Dalay, chairman ng Commuters of the Philippines, inaasahan na nilang magiging malaki ang epekto sa pasahe ng PUV Modernization Program (PUVMP) na isinusulong […]