• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Isang saludo sa Fineguard mask

ILALARGA ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ang Fineguard Sport National Half-Marathon Virtual Challenge upang mabigyan ng aktibidad ang komunidad na patuloy na nalilimitahan sa mga galaw dahil sa Covid-19.

 

 

Patuloy na bawal ang mga aktibidad na nagtitipon sa maramihang tao at hindi pa posible ang malalaking running event dahil sa pandemya. Kaya isasagawa ng asosasyon ang 21 kilometrong takbuhan gamit ang kanilang mga pansariling pagtatala.

 

 

“The PATAFA came up with this idea, through the influence and lead of our mother international federation, the World Athletics,” wika kamakalawa ni PATAFA president Philip Ella Juico.

 

 

Batid ng PATAFA na maaari pa ring masiyahan ang mga mananakbo sa pakinabang ng karera sa pamamagitan ng pagkonekta sa kanila ng teknolohiya at pagbibigay insentibo sa ilang uri ng kompetisyon.

 

 

Makakatulong ng PATAFA rito ang Fineguard sport mask na kaparehong tatak na ginamit ni pole vaulter Ernest John Obiena sa regular Italy training camp para sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inatras lang ngHulyo 2021.

 

 

Ito din ang sport performance mask na opisyal na gamit ng ng Philippine Athletics Team. Inaasahang makakasama rin ang Fineguard mask sa paparating na training bubble ng pambansang koponan sa New Clark Sports Complex sa Capas, Tarlac.

 

 

Sinasaluduhan ng OD ang face mask na ito na tumulong sa PATAFA para makapagdaos ng Online 21K roadrace. Mabuhay po kayo riyan. (REC)

Other News
  • Hinihintay nila ang tamang panahon: CHRISTIAN, ‘di napi-pressure na magkaanak sila ni KAT

    HANDA na raw magkaroon ng baby ang aktres na si Jenny Miller kahit wala siyang partner sa buhay ngayon.     Mag-turn 43 na si Jenny sa February 5 at naisip na raw niyang magkaroon ng baby niya dahil halos lahat daw ng mga kaibigan niya ay may mga anak na.     “I decided to […]

  • Task force, bineberipika ang ulat ng nawawalang mga mangingisdang Pinoy sa WPS

    IBEBERIPIKA pa munang mabuti ni National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) chairperson Hermogenes Esperon Jr. ang inihayag ni presidential aspirant Senator Panfilo “Ping” Lacson na may ilang mangingisdang Filipino ang sinasabing nawala sa karagatan.     “Mag-verify lang ako kasi wala syang sinasabing dates,” ayon kay Esperon, isang National Security Adviser, sa […]

  • Doha napiling host ng 2030 Asian Games

    Napili ang Doha bilang host ng 2030 Asian Games.   Kinumpirma ito mismo ng Olympic Council of Asia (OCA) kung saan magiging host naman ang 2034 ang Riyadh.   Ayon kay OCA president Sheikh Ahmad Al-Fahad Al-Sabah, na isinagawa ang paggawad matapos ang board meeting ng OCA.   Naantala pa ng ilang oras ang nasabing […]