• November 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Isang taon na ‘di nag-usap bago naibalik ang friendship: RITA, pinaghandaan ang pagsasabi ng nararamdaman niya para kay KEN

PINASOK na rin ni Glaiza de Castro ang pag-produce ng pelikula at ang unang venture niya ay co-producer niya si Ken Chan sa mystery-thriller film na ‘Slay Zone’.

 

 

 

Kakaibang Valentine movie raw ang ‘Slay Zone’ dahil panggulat daw ito sa mga magde-date sa Araw ng mga Puso. Kasama rito ni Glaiza ay sina Pokwang at Abed Green.

 

 

 

“Okey naman ang pag-produce namin ni Ken at wala namang naging problema sa ngayon. Hopefully maging maayos din sa mga susunod naming gagawin pa.

 

 

 

“Bilib ako kay Ken kasi kahit sobrang busy siya, nakakabisita pa siya sa location namin sa Bulacan. Kaya dun pa lang alam kong seryoso siya sa ginagawa namin,” sey ni Glaiza.

 

 

 

Kasalukuyang tinatapos ni Glaiza ang ilang araw na lang na taping sa South Korea ng ‘Running Man Philippines’.

 

 

 

***

 

 

 

NAGKABATI na ulit ang dating magka-loveteam na sina Ken Chan at Rita Daniela.

 

 

 

Kinuwento nila kung paano naganap ang aminan ng feelings sa isa’t isa, ang kanilang hindi pagkakaunawaan, at pagbabalik ng maganda nilang samahan bilang magkaibigan.

 

 

 

Ayon kay Rita, pinaghandaan niya ang pagsabi ng nararamdaman niya para kay Ken.

 

 

 

“Gumastos ako. Nagpa-reserve lang naman ako ng isang cottage tapos kami lang naka-reserve that day so sa amin ‘yung buong bundok. Para kaming nasa pelikula tapos may naka-set up na picnic,” sey ni Rita.

 

 

 

Sey naman ni Ken: “Through letters, tapos ‘yung sulat sobrang liliit, tapos binasa niya sa harap ko while she’s crying.”

 

 

 

Inamin ng dalawa na mahal nila ang isa’t isa pero pinili raw ni Ken na hindi mapunta sa relasyon ang kanilang samahan.

 

 

 

“Ang sabi ko, thank you. But I’m sorry. I was not ready. I was starting my businesses. Sabi ko sa kanya, hindi pa ako handa. Kasi kung magsisinungaling, sige let’s do this, and I am not ready, mas lalo ko siyang masasaktan.”

 

 

 

Sey ni Rita: “May part na kahit trinay lang ng kaunti, hanggang saan aabot. At least nagawa kaysa marami kang what ifs.”

 

 

Pag-amin ng dalawa, may isang taon silang hindi nag-usap bago mabalik ang kanilang friendship.

 

 

“It really took us time bago kami maging ganito ulit na nakakapag-usap kami, na puwede kami magtabi,” sey ni Rita.

 

 

 

Sumikat ang tambalang BoBrey at RitKen dahil sa teleserye nila Ken at Rita na ‘My Special Tatay’ noong 2018. Nasundan ito ng mga teleseryeng ‘One Of The Baes’ (2019) at ‘Ang Dalawang Ikaw’ (2021).

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • UMID ID ng SSS, papalitan ng ATM Pay Card

    PAPALITAN na ang re­gular UMID card na gina­gamit ng mga miyembro ng Social Security System (SSS) matapos maki­pagkasundo ang ahensya sa mga bangko para sa pagpapalabas ng bagong UMID ATM Pay Cards.     Kapag mayroon nang UMID ATM Pay Cards, ang SSS members ay mas mabilis nang makakakuha sa kanilang account ng kanilang benepisyo, […]

  • Krizziah Tabora-Macatula 9th place sa 16th Asian Tenpin Championship

    TANGING ang World Cup champion na si Krizziah Tabora-Macatula ang pinakamahusay na Pilipino sa ginaganap na 16th Asian Tenpin Bowling Championships sa Hong Kong matapos walang nakarating sa podium.   Si Tabora-Macatula, ang 2017 World Cup champion, ay tumapos sa pang-siyam na pwesto na may 1,401 pinfalls sa women’s singles events.   Nagkasya lang si […]

  • Atletang ‘di kasama sa Vietnam SEAG, babakunahan din

    Lahat ng mga national athletes ay bibigyan coronavirus disease (CO­VID-19) vaccines kahit ang mga hindi sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.     Ito ang inaprubahan kahapon ng pamahalaan sa pamamagitan ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emer­ging Infectious Diseases (IATF-EID) at Department of Health (DOH).     Noong Biyernes […]