• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Isang welcome evolution na tingnan ang Europa para sa security alliance- PBBM

SINABI ni  Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. na hindi tradisyonal para sa gobyerno ng Pilipinas na tingnan ang Europa para sa “security partnerships at alliances.”

 

 

Ito’y matapos na mag-courtesy call si  United Kingdom Foreign Secretary James Cleverly kay Pangulong Marcos sa Palasyo ng Malakanyang.

 

 

Dumalo at nakiisa rin sa courtesy call sina  Executive Secretary Lucas Bersamin, Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, at Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary to the United Kingdom of Great Britain at Northern Ireland Teodoro “Teddy Boy” Locsin Jr.

 

 

“The new development in terms of security and defense… It is not traditional for us to look to Europe for our… to seek alliances and partnerships when it comes to security and defense,”  ayon sa  Punong Ehekutibo.

 

 

“But that seems to be the evolution, the geopolitics these days. It is a welcome evolution in my view, and again your visit here I think, is a clear indication of that intent. So once again, welcome to Manila, welcome to the Philippines, welcome to the Palace,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Samantala, winika ni Cleverly na may nakikita siyang maraming oportunidad pagdating sa pagpapalakas sa relasyon sa Pilipinas kabilang na ang ugnayan sa kalakalan.

 

 

“We are now looking towards enhancing the trade relationship, which is in a good place, that there is still growth. I know that you are very focused on attracting investment into the country and I’ve been discussing with our ambassador about UK export finance facility, which I hope would encourage UK companies to invest more broadly,” ayon kay Cleverly. (Daris Jose)

Other News
  • Sa pagtatapos ng ‘Maging Sino Ka Man’: DAVID, nagbigay na ‘quick hint’ sa next project nila ni BARBIE

    HULING gabi na ng special limited series nina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza at Pambansang Ginoo David Licauco, ng “Maging Sino Ka Man,” pero hindi ibig sabihin ay mawawala na ang BarDa fever.        Last Saturday, sa “24 Oras Weekend” ini-report ni Nelson Canlas na nagbigay na ng quick hint si David ng susunod […]

  • Kamara may P4.7-B sobrang pondo kahit lumaki ang gastos

    UMABOT sa P4.7 bilyon ang budget surplus ng Kamara noong 2022 kahit pa lumaki ang gastos nito ng P934.41 milyon.     Batay sa datos ng Commission on Audit (COA), mula sa P2.64 bilyon noong 2021 ay tumaas ng 78 porsyento ang budget surplus ng Kamara.     Ayon sa 2022 Financial Statements ng House […]

  • Panganay na anak ni LeBron James na si Bronny kinuhang endorser na ng isang sports brand

    PUMIRMA ng endorsement deal sa sports apparel na Nike ang panganay na anak ni Los Angeles Lakers star LeBron James na si Bronny.     Isa lamang si Bronny sa limang amateur basketball players na pumirma ng endorsement deals.     Una naging bahagi si Bronny ng Nike marketing ng pinakabagong sneakers na Nike LeBron […]