Isinantabi ang pasaringan: ‘We wish Mayor Isko Moreno good health”- Sec. Roque
- Published on August 17, 2021
- by @peoplesbalita
“We wish Mayor Isko Moreno good health. We hope that he gets well soon.”
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos makarating sa kaalaman na nagpositibo sa Covid-19 ang Alkalde.
Si Moreno ay bakunado na ng Sinovac.
Ayon kay Sec. Roque, hindi naman talaga sinasabi ng mga eksperto na ang mga bakuna ay garantiya na hindi na magkaka-Covid ang isang bakunado.
Ang sinasabi ng mga eksperto, lahat ng mga bakuna na nasa bansa ay epektibo para maiwasan ang seryosong pagkasakit o pagkakamatay dahil po sa Covid-19.
“So, yan pong karanasan ni Mayor ah Yorme ngayon noh? Sa tingin ko naman po precaution iyong kanyang pago-ospital pero sa tingin ko po ay ang mangyayari sa kanya ay siguro po ay moderate ang magiging kaso niya at hindi na po siya magiging critical dahil bakunado na po siya,” pahayag ni Sec. Roque.
Nauna rito, sinabi ni Moreno na nakaramdam siya ng kaunting ubo’t sipon at sumakit din ang kaniyang katawan.
Agad na sumalang ang alkalde sa pagsusuri kaya’t dito na nalaman na positibo siya sa nasabing virus.
Dinala na sa Sta. Ana Hospital si Moreno para matutukan ang kalagayan kung saan magpapatuloy pa rin naman siya sa kaniyang trabaho habang naka-quarantine.
Ikinasa na rin ang ilang health protocols katulad ng disinfection sa Office of the Mayor at inaalam na rin kung sinu-sino ang mga nakasalumuhang indibidwal ang alkalde para sa contact tracing.
Matatandaan na unang nagpositibo sa COVID-19 si Vice Mayor Honey-Lacuna Pangan isang linggo na ang nakakalipas na kasalukuyang nagpapagalign sa Sta. Ana Hospital. (Daris Jose)
-
Richard Bachmann: New PSC Chairman
Tinalaga ng Malacañang si Richard Bachmann bilang bagong Chairperson ng Philippine Sports Commission (PSC). Ang dating University Athletic Association of the Philippines Commissioner ay magiging kapalit ni Noli Eala, na nai-appoint ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong buwan lamang ng Agosto. Maliban sa pagiging bahagi ng Athletic Association, naging team governor […]
-
Lydia de Vega bibigyang ng especial na lugar sa itatayong POC museum
MAGKAKAROON ng kakaibang puwesto sa ipapatayong Philippine Olympic Committee Museum sa New Clark City sa Capaz, Tarlac ang namayapang sprint queen ng bansa na si Lydia de Vega. Sinabi ni POC president Abraham “Bambol” Tolentino na plano nilang maglagay ng lugar sa nasabing museum kung saan makikita ang mga tagumpay ni de Vega. […]
-
2 drug suspects kulong sa P70K tobats sa Navotas
SA kulungan ang bagsak ng dalawang drug suspects matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang naarestong mga suspek na sina alyas “Jomboy”, 31, ng […]