• March 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Isiniwalat na nakabili na ng apartment sa Paris: HEART, napansin at pinuri ni VICTORIA BECKHAM sa suot na OOTD

SA tuwing rarampa ang fashion icon at Kapuso actress na si Heart Evangelista, imposible talaga na hindi siya mapapansin, lalo sa mga designers clothes, bags and shoes na sinusuot niya.

 

 

And lately lang, nakuha ni Heart ang atensyon ng international star na si Victoria Beckham dahil sa kanyang latest OOTD sa Paris Fashion Week.

 

 

Isa si Heart sa mga celebrity fashion icon na present sa presentation ng former Spice Girls member na isa na ring fashion designer sa Paris Fashion Week show.

 

 

At suot nga ng Kapuso actress ang ilan sa design mula sa Victoria’s collection, na makikita sa photos and videos na pinost ni Heart sa kanyang Instagram account.

 

 

Last Saturday, October 1, ipinasilip ni Heart sa kanyang IG Reels, na suot niya ang structured coat black dress with ruffled tie-neck na design ni Victoria Beckham.

 

 

May hawak din siyang monogram circle bag na milyon daw ang halaga, base sa official website, at suot ang black platform ankle-strap heels.

 

 

Gamit ang ‘Feeling Good’ ni Michael Buble, may simple itong caption na black heart emoji at itinag si Victoria Beckham.

 

 

Napa-grabe ka! si Kakai Bautista.

 

 

Napa-comment naman si Karen Davila ng, “This is the BEST ⭐️ and im such a VB fan!!! Congrats dear! @iamhearte @victoriabeckham.”

 

 

Pero nang makita nga ng dating Spice Girls member ang Instagram posts ni Heart, ‘di nga napigilang mag-comment ito at purihin ang Kapuso star.

 

 

“U look incredible!!! Perfect VB muse!!!” papuri ng asawa ni David Beckham.

 

 

At sumagot naman si Heart ng, “@victoriabeckham love all 🙂 congrats! (red heart emoji)”

 

Tuwang-tuwa naman ang mga followers ni Heart at may comment para sa isang basher, “oh ayan basahin mo, anong pinagsasabi mo hindi sila close? ayan ha nag-comment na si victoria herself, boba! (crying and smiling emojis)

 

Say pa nila, “ang gagaling ng mga bashers dito… perfect nyo talga mga Pinoy… dats her job!… leave her alone or unfollow her, cuz we are millions fans to support her.”

 

“Heart, continue doing what you love because those who are rooting for you are so proud of how far you’ve come. And to the bashers thank you for noticing Heart it only means she’s successful.”

 

Samantala, ibinahagi ni Heart na nakabili na siya ng apartment habang nasa Paris pero hindi pa rin siya doon mamalagi dahil mga trabaho din siya sa Pilipinas.

 

 

“I’m not living here,” say niya.

 

 

“I have work here and I have work in the Philippines and kailangan natin ng work because you know, you gotta be independent, work for your stuff without hingi-hingi ng anik-anik. So, kailangan super work tayo. Hindi ako naniniwala sa hingi ng hingi. I’m a working girl.”

 

 

Tungkol naman sa nabili niyang apartment, “Okay I just got myself an apartment. So I do not really plan to buy anything else because I have all my nice furniture.

 

 

“I really want, very, very nice… I’m saving up for that. But I’m also so busy, I have no time to shop. The only time I have to spare is to be on my bed and rest.”

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Ads August 17, 2024

  • Alex Eala, agad nagrehistro ng panalo sa pagpasok ng 2025

    AGAD  gumawa ng impresibong panalo ang Filipina tennis sensation na si Alex Eala matapos niyang dominahin ang laban nila Taylah Preston sa quarterfinals ng WTA Canberra International. Nagawa ni Eala na talunin ang kalaban sa tatlong magkakasunod na set, 4-6, 6-2, 6-1. Sa kabuuan, nakakuha si Eala ng 88 points habang 73 lamang kay Preston. […]

  • Garcia namumuro na kay Pacquiao?

    Maugong ang pangalan ni World Boxing Council (WBC) interim lightweight champion Ryan Garcia sa posibleng makalaban ni eight-division world champion Manny Pacquiao.     Mismong ang tatay ni Garcia na si Henry ang nagkumpirma na gumugulong na ang negosasyon para sa laban na inaasahan nitong maikakasa anumang araw ngayong linggo.     “It’s not bizarre, […]