Isinuko na ang lahat sa Diyos: GARDO, inakalang lilisanin na ang mundo nang ma-stroke
- Published on June 7, 2023
- by @peoplesbalita
SINABI ni Gardo Versoza na inakala niyang lilisanin na niya ang mundo nang atakihin siya sa puso noong Marso.
Binalikan ng aktor ang naturang karanasan kung saan nalaman ng mga duktor na barado ang kaniyang dalawang ugat na konektado sa puso.
“Umabot ako dun sa point na parang about to leave this world,” sabi ni Gardo tungkol sa naranasang pagsailalim niya sa angioplasty para alisin ang bara sa mga ugat.
Ayon kay Gardo, nang mga sandaling iyon, isinuko na raw niya ang lahat sa Diyos.
“Ganun pala ‘yung feeling na parang akala ko before nakakanerbyos,” saad niya. “Pero come to think of it, parang bibigay mo na lahat kay Lord eh.
“‘Yung nga ‘yung pinagdasal ko na, ‘If ever man na this is my time, Kayo na pong bahala dun sa mag-ina,” patungkol ng aktor sa asawa niyang si Ivy Vicencio at anak kanilang nag-iisang anak.
Ayon kay Gardo, hindi niya alam na mayroon siyang problema sa puso dahil active ang kaniyang lifestyle at maingat din sa kaniyang mga kinakain.
Gayunman, hindi raw siya regular na sumasailalim sa medical checkup na isa sa mga aral na natutunan niya.
“Feeling ko parang in a way baka rin ginamit akong instrumento ng Panginoon na kumbaga mai-share sa iba na ‘wag n’yong balewalain kasi hindi biro ‘yun,” ayon kay Gardo.
***
PINILAHAN ng kanilang fans ang lead cast ng bagong kilig series ng GMA na ‘Love At First Read’ sa ginanap na Philippine Book Festival nitong Sabado, June 3.
Ang Sparkle sweethearts at lead stars ng nasabing series na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara ang nanguna sa pagpapasaya ng kanilang fans at book enthusiasts sa nasabing event.
Kasama ng MavLine ang kapwa Sparkle stars na sina Therese Malvar, Mariel Pamintuan, Bruce Roeland, Larkin Castor, Josh Ford, at Gueco twins na sina Gabby at Kiel Gueco.
Ang ‘Love At First Read’ ay ang second installment ng Luv Is series, na TV adaptation ng hit Wattpad novel na may parehong titulo. Ito rin ay ang collaboration project ng GMA Network at ng Wattpad Webtoon Studios.
Sinagot din ng cast ang ilang katanungan ng kanilang fans tungkol sa kanilang mga karakter sa nasabing series.
Maraming fans ang pumila upang makakuha ng autograph mula sa kanilang mga iniidolong Sparkle stars.
Sa nasabing event, ipinalabas ang ilan sa mga teasers ng Love At First Read. Abangan ang world premiere ng Love At First Read ngayong darating na June 12 sa GMA.
***
MAGPE-PERFORM sa San Diego Pride Festival si Jake Zyrus kasama ang American Idol season 7 runner-up na si David Archuleta.
Magaganap ang two-day pride event on July 15 and 16 sa Balboa Park at kasama rin ang mga musical artists na sina Princess Nokia, Saucy Santana, Pussy Riot, Moore Kismet, Whatever Mike, The Illustrious Blacks, Jimbo, Darienne Lake, Naysha Lopez, and many more.
Nag-out si Jake (formerly Charice Pempengco) noong 2017 at simula noon ay ginamit na niya ang kanyang platform para sa mental health awareness sa LGBTQIA+ community.
Nag-out naman si David noong 2021 at naging advocacy na niya ang magkaroon ng respect at safe space para LGBTQIA+ community kunsaan puwede nilang i-share ang kanilang mga kuwento na walang maranasan na abuse at injustice.
-
Updated list ng considered red, yellow, green countries inaprubahan ng IATF
INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) at nagbigay ng updated list ng “considered’ “Red,” “Yellow” at “Green” countries/jurisdictions/territories. Ang bagong classification ay magiging epektibo sa Setyembre 19, 2021 hanggang Setyembre 30, 2021. Ang mga bansang kabilang sa Red List ay Grenada, Papua New Guinea, Serbia at Slovenia. Samantalang ang mga bansang kabilang […]
-
P228.83-M pinsala idinulot ng Typhoon Bising sa agrikultura, imprastruktura
Daan-daang milyong halaga na ang napipinsala ng bagyong Bising sa sektor ng agrikultura at sari-saring imprastruktura habang patuloy ang pagkilos nito papalabas ng Philippine area of responsibility, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Ngayong Biyernes, pumalo na sa 1,468 kabahayan ang napinsala sa Bicol at Eastern Visayas at CARAGA: […]
-
PDu30, nagtalaga ng bagong Court of Appeals justice
ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si dating Bangko Sentral ng Pilipinas Executive Director Jennifer Joy Chua Ong bilang associate justice ng Court of Appeals (CA). Sa panahon na itinalaga si Justice Ong, siya ay undersecretary ng Office of the Appointments Secretary ng Office of the President. Si Justice Ong, nanumpa […]