• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ISKO AT DR.WILLIE ONG, NAGSANIB PUWERSA

IIWAN na ni Mayor Isko Moreno Domagoso ang Maynila at ipagkakatiwala nito ang pamamahala kay Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna- Pangan ang pagiging punong ehekutibo sa lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila.

 

Ito ang sinabi ni Domagosa kasabay ng ginawa nitong proklmasyon ngayon araw sa kanyang kandidatura sa pagka- Pangulo ng bansa sa darating na 2022 national election.

 

 

Ayon kay Isko, kumpiyansa siya na kayang ipagpatuloy ni Vice Mayor Lacuna ang kanyang mga nagawa partikular na ang mabilis na pagtugon sa panahon ng pandemya dulot ng COVID-19.

 

 

Aniya, malaki ang naging ambag ni Lacuna, partikular na sa isyu ng pangkalusugan, kung saan mabilis ang responde ng pamahalaang lungsod tulad ng pagbili ng mga kailangang gamot na Remdesivir at Tocilizumab, malawakang pagbabakuna, pagbili ng mga kinakailangang makina, pagpapatayo ng mga pasilidad at ospital.

 

 

 

Si Dr. Willie Ong ang napili naman nitong bilang running mate na napapanahon ngayong nahaharap sa krisis ang buong bansa bunsod ng pandemya.

 

 

 

Kasabay ng pag-anunsyo ng magiging kapalit ni Domagoso bilang alkalde sa Maynila, hindi naman pinangalanan kung sino ang magiging ka-tandem ni Lacuna bilang Vice Mayor nito. Sa kabila ng pahayag ay matunog naman ang pangalan ni Manila 3 rd District Congressman Yul Servo na tatakbong bise alkalde ng lungsod.

 

 

Nanindigan namn si Doc willie ong na hindi siya maninira ng kanyang mga kalaban sa pagka ikalawang pangulo ng bansa.

 

 

Sa ginawang pag anunsyo bilang running mate ni Isko, sinabi nito na nais niya lang makatulong sa publiko.

 

 

Giit nito mag titiis siya sakaling pulitikahin ng kanyang mga makakalaban pero ang kanyang paninindigan ay ang makatulong sa mga may sakit na Pilipino. (Gene Adsuara)

Other News
  • Eala itutuloy ang astig sa taong 2021

    MAGPAPAHINGA na muna mula sa mga kompetisyon si Alexandra ‘Alex’ Eala.   Maganda na rin ang taon para sa Pinay tennis sensation, kahit sabihin pang may pandemyang Coronavirus Disease 2019 o Covid-19.   Ito’y dahil sa nagkampeon ang 15-anyos na atleta sa 108th Australian Open 2020 Juniors girls doubles kasama si Indonesian Priska Nugroho bilang fourth […]

  • Kahit sinasabing mahusay na dramatic actress: WINWYN, mas gustong malinya sa action genre kahit delikado

    SA kuwento sa amin ni Ms. Mel Tiangco, may mga pagkakataon na naaapektuhan siya sa kanyang mga subjects na tampok ang kuwento sa ‘Magpakailanman’.   “Tinamaan ako dun sa isang lalaking pag-upong pag-upo ko, sabi ni direk, ‘Ah Tita Mel may pakiusap sa inyo yung subject.’ ‘Ah okay sure, what is that?’   “Sabi niya, […]

  • HEAT, ABOT-KAMAY NA ANG NBA FINALS MATAPOS PASUIN ANG CELTICS SA GAME 4, 112-109

    NANGANGAILANGAN na lamang ng isang panalo ang Miami Heat upang tuluyan nang makapasok sa NBA Finals matapos na makaligtas sa naghihingalong Boston Celtics sa Game 4 ng Eastern Conference Finals, 112-109.   Bunga ng panalo, nakuha na ng Miami ang 3-1 lead sa best- of-seven series at makalapit ang koponan sa kanilang kauna- unahang NBA […]