Isko inialay ang parangal sa mga nagbuwis ng buhay
- Published on April 19, 2022
- by @peoplesbalita
INIALAY ni Aksyon Demokratiko at Presidential bet Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa lahat ng frontliners na nagbuwis ng buhay noong kasagsagan ng pandemya ang tinanggap nitong pagkilala na “People of the Year 2022.”
Kinilala si Domagoso ng PeopleAsia Magazine dahil sa ginawang pagtugon at paglaban ng lokal na pamahalaang lungsod na kanyang pinamumunuan sa pandemya dulot ng COVID-19. Partikular sa ginawa nitong 344-bed capacity Manila COVID-19 Field Hospital at ang pagbibigay ng libreng mga mamahalin at hard-to-access na mga anti-COVID medicines tulad ng Remdesivir, Tocilizumab, Molnupiravir, Baricitib at Bexovid.
Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni domagoso ang kanyang kapartner na si Vice Mayor Honey Lacuna at ang lahat ng City Hall employees na nagsilbi sa frontlines lalo na noong kasagsagan ng pandemya na katrabaho rin niya sa loob ng tatlong buwan na hindi siya umuwi ng bahay at nanatili lamang sa City Hall.
Habang sila ni Lacuna ay na-infect din ng virus ay may mga frontliners ang nagbuwis ng kanilang buhay makapaglingkod lamang sa mamamayan ng lungsod.
Inialay ni Domagoso ang karangalan natanggap sa kanyang yumaong mga magulang na nagbigay sa kanya ng inspirasyon na huwag susuko lalo na noong panahon ng kahirapan.
“Inaalay ko ito sa aking nanay at tatay na naging simbolo ko na ‘wag sumuko sa buhay. Di nila ako sinukuan, bagamat ako ay solong tagapagmana ng lupain na bulubundukin at umuusok pa. The thing is, hindi sila sumuko kaya andito ako sa harap nyo ngayon,” saad ni Domagoso kung saan tinukoy nito ang Smokey Mountain kung saan siya lumaki.
Kinilala din si Domagoso sa ginawa nitong paglilinis ng magulong Divisoria at sa rehabilitasyon ng Arroceros Forest Park, pagkakaloob ng disenteng pabahay sa mga mahihirap at pagtatayo ng mga bagong paaralan sa loob lamang ng maiksing panahon at sa pagpapakita nito ng political will at conviction, naging maganda ang buhay ng isang payak na Pilipino.
“Ito rin ay iniaalay ko sa mga magulang at mga bata na kumakaharap ng pagsubok sa buhay. Huwag kayong susuko, kapit lang. Lagi niyong tandaan na after the rain, there is a rainbow.
Salamat sa lahat ng bumubuo ng PeopleAsia Magazine sa inyong iginawad na pagkilala sakin bilang isa sa mga People of the Year 2022,” ayon pa kay Domagoso. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
Parehong pasok ang movie nila sa ’50th MMFF’: ARJO, tumindig talaga ang balahibo nang malamang makakasama si JUDY ANN sa ‘The Bagman’
SA Amerika na naka-base ang sikat na OPM singer na si Ella May Saison. Kuwento niya, “I live with my 2 dogs, I live there peacefully, my life there is so simple, sa Dallas Texas. “Gusto ko yung life na ganun, nakakapag-contemplate ako, nakakagawa ako ng songs, nakakapag-isip ako ng mga […]
-
Ipinagmamalaki nila ang Japanese film na ‘Monster’… LORNA, nahikayat ni SYLVIA na bumili at mag-produce ng pelikula
NAHIKAYAT ang award-winning actress na si Lorna Tolentino sa pagpo-produce ng pelikula. Ito ang ipinahayag ni Ms. LT sa special celebrity screening ng “Monster,” ang family drama mula sa Japan and directed by Hirokazu Kore-eda, na ginanap noong October 3 sa SM Megamall Cinema 2. Nakatanggap ng mga awards abroad ang […]
-
‘Political terrorism’ ang pagpatay kay Governor Degamo – senador
INILARAWAN ni Senate President Juan Miguel Zubiri na isang “political terrorism” ang pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo. Paliwanag ni Zubiri, sakop ito ng anti-terrorism law. Ito at dahil ang pagpatay sa sibilyan o isang tao at pagsira ng mga ari-arian ay malinaw na pananakot. Isa lang aniya […]