• April 24, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Istasyon ng LRT 2 may connection na sa Sta. Lucia Mall

PINASIYANAN at binuksan kamakailan lamang ng Sta. Lucia Land Inc. ang Sta. Lucia Link sa Light Rail Transit Line 2 (LRT2) ng istasyon ng Marikina-Pasig na magbibigay ng direct access sa office spaces at Sta. Lucia East Grand Mall.

 

 

Sinabi ni VP Rose Santos ng Sta. Lucia Land na ang pagbubukas ng Sta. Lucia Link ay nagpapakita ng isang magandang partnership sa pagitan ng pamahalaan at pribadong sektor sa pagbibigay ng mas magandang serbisyo sa publiko.

 

 

Dumalo rin sa inagurasyon sila Light Rail Transit Authority (LRTA) administrator Hernando Cabrera, Department of Transportation (DOTr) assistant secretary Jorgette Aquino at ibang pang opisyales ng Sta. Lucia Land.

 

 

Ang pagbubukas ng link sa LRT 2 ay inaasahang makapagbibigay ng isang ligtas at madaling paraan para sa mga pasahero na pumunta sa nasabing mall.

 

 

“The link’s opening further establishes the company’s commitment to creating modern and convenient lifestyle’s options for its customers and the general public. Ensuring convenience and accessibility is a promise that Sta. Lucia Land Inc. takes to heart,’ wika ng Sta. Lucia Land.

 

 

Ang istasyon ng LRT 2 Marikina-Pasig ay kasama sa 17-kilometer railway system na may 13 istasyon mula Rizal hanggang Manila na nagbibigay ng serbisyo sa mahigit na 30,000 na pasahero kada araw.

 

 

Sa kabilang dako naman, ang Sta. Lucia East Grand Mall ay isa sa mga pioneer sa Pasig-Cainta area sa mga nakalipas ng taon na nagbibigay ng ligtas at magandang shopping experience sa mga residente sa eastern corridor ng metropolis. LASACMAR

Other News
  • After 36 Years, ‘Superman: Legacy’ Could Bring Back The Iconic Cape Logo

    DAVID Corenswet’s Clark Kent in Superman: Legacy could don a costume that brings back one iconic aspect of the hero’s suit that has long been missing.   After 36 years, Superman: Legacy can finally see the return of an important costume detail.   James Gunn’s Superman: Legacy promises to be quite the start for the […]

  • President-elect Marcos inatasan si VP-elect Sara na i-review ang implementasyon ng K-12 education system

    INATASAN ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. si incoming DepEd secretary at Vice President-elect Sara Duterte-Carpio na i-review ang implementasyon ng kontrobersiyal na K-12 education system sa bansa.     Ayon kay VP Sara, kailangan na mapag-usapan muna ang panukalang buwagin ang K-12 education system dahil isa itong isyu na hindi dapat pinagdedesisyunan ng mabilisan.   […]

  • Excavation activities ng Manila Water tigil muna sa panahon ng holiday

    SINUSPINDE muna ng Manila Water ang ginagawang excavation activities sa mga pangunahing lansangan sa East Zone ng  Metro Manila bilang pagtalima sa government resolution hinggil sa pag­hahanda sa nalalapit na kapaskuhan.     Unang nagpalabas ang  Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)  ng Memorandum Circular No. 15 Series of 2023, na nag-uutos ng  temporary suspension sa  […]